TAPOS NA ang isyu sa pagitan nina Xian Lim at Albay Gov. Joey Salceda. Finally!
Nagbigay na ng public apology si Xian. At tinanggap na rin ito ng mabait na ama ng Albay. So, all’s well that ends well.
Sana ay may natutunan dito ang magkabilang kampo, lalo na si Xian. Dahil ang alam namin, uso talaga ang pagbibigay ng mga souvenir items sa mga artista, pero ngayon lang may tumanggi sa souvenirs.
‘Yung ibang artista’y meron din namang ine-endorse na clothing brand, pero excited pa silang isinusuot ito para iparamdam sa mga kababayan natin sa probinsiya na “proud sila” at “masaya sila” na naroroon.
Kahit nga ang manufacturer ng ine-endorse nilang apparel or clothings, hindi isyu ito, dahil bahagi nga ng local tourism ang pagpapalaganap ng magandang experience ng kanilang lalawigan.
“Pakikisama” rin ang tawag doon. Na ikaw mismong artista, gusto mo, may maiwan kang magandang alaala sa kanila bago bumalik ng Manila, ‘di ba?
Mahirap din kasi kunwari ‘pag si Xian ay imbitahan uli sa isang probinsiya na maraming especialty na pagkain, pero ang inihanda sa kanya ay McDo fried chicken, dahil ‘yun ang ine-endorse niya. Habang ang mga kasama niya, fiesta ang pakiramdam sa mga masasarap na pagkain.
So, sa buhay, masarap ding nagbibigay, basta kaya mong ibigay o pagbigyan ang (mga) tao sa kanilang kahilingan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, lahat ng gagawin natin, dapat, may tag price. At the end of the day, importante pa rin’yung pakiramdam na nakapagpasaya ka kahit pa wala na ‘yon sa usapan.
Oh My G!
by Ogie Diaz