Xian Lim, kailangang i-orient sa tamang asal

Xian-LimSA TOTOO lang, kung pagbabasehan ang kuwento ni Atty. Carol Sabio, ang galit ni Albay Gov. Joey Salceda at ilang mga saksi sa ginawa ni Xian Lim kamakailan, na ayon sa kanya ay hindi niya isinuot ang T-shirt na may nakalagay na tekstong Albay, hindi ko ngayon alam kung ano ang totoong kuwento tungkol sa panibangong isyu laban sa “kagaspangan” ng pag-uugali ni Xian.

Hindi lang ito ang una. Kung tama ang alaala ko, may kaganapan na ring nangyari nang mag-walk-out siya nang live (in front of a live Skype coverage over DZMM’s Mismo show nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz, na nabastos sina Jobert at Papa Ahwel sa inasal niya dahil lang sa pang-fans na katanungan ni Papa Ahwel tungkol kay Kim.

Last year, may isang babae ang ipinahiya rin niya at the Chinese New Year’s celebration sa Chinatown sa Binondo na nang i-introduce ng event host na si “Kim Chiu”, he reacted and told the crowd na si “Bea Binene” ang kamuhka ng “fan” at hindi si Kim na kanyang ka-loveteam.

Sa nangyaring kaganapan involving Xian and Atty. Sabio, maraming netizens ang nag-react negatively sa inasal ni Xian.

Maging si Gov. Salceda nagpahayag na rin ng kanyang pagkadismaya questioning Xian’s breeding at pag-uugali na maging ang magulang niya ay nasabit sa isyu.

Sa kanyang social media account. Reaction ni Gov. Joey tungkol sa insidente: “1. His parents did not raise him well. 2. He had bad education. 3. He is not managed well. 4. His character is inversely proportional to his looks. 5. He is on something.”

Panahon na para i-super orient si Xian ng Star Magic sa mga sablay na pinaggagagawa niya mula’t mula pa. Sa ilang dekada ko sa showbiz, never akong nakarinig ng ganitong mga reklamo kay Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Robin Padilla, or Aga Muhlach.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMo Twister, binanatan si Manny Pacquiao
Next articleJoseph Marco, sincere manligaw

No posts to display