IBANG KLASE ng saya ang dala nina Xian Lim at KZ Tandingan sa mga kababayan natin sa Japan sa katatapos lamang na Philippine Festival 2017 noong September 30 at October 1, kung saan nag-perform ang dalawa sa TFC Hour na naganap noong October 1 sa Hibiya Park Chuo Ku Event Square sa Tokyo.
Ang pagdalo ng dalawang ABS-CBN artists ay bahagi ng pakikiisa ng The Filipino Channel sa taunang Philippine Festival 2017, na binansagang pinakamalaking pagtitipon ng mga Pilipino sa Japan.
Una nang inilunsad ang Philippine Festival noong 2012 ng Philippine Festival Organizing Committee, sa suporta ng Philippine Embassy sa Japan, tugon sa layuning magkatipon-tipon ang mga Pilipino sa isang selebrasyon kung saan maibibida at maipapakikilala sa ibang nasyon ang kultura ng mga Pilipino.
Ayon sa pahayag ni Eric Santos, ABS-CBN Global transient segment head for Asia Pacific region: “Gusto namin sa TFC na sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga Pinoy artists tulad nina Xian Lim at KZ Tandingan, na mas maramdaman ng mga Pilipino sa Japan na ang Philippine Festival 2017 ay selebrasyon ng mayamang kultura ng Pilipinas at isang paraan na mapalapit ang bansa sa puso ng mga Pilipino sa Japan.”
Unang nagperform si Xian nang ikuwento niya sa crowd ang kaniyang talent sa music na hindi lang sa pagkanta kundi maging sa pagpe-play ng iba’t ibang instrumento.
Una niyang ipinakita ang mga talentong ito sa kaniyang “Songs in the Key of X” concert last July sa Theater at Solaire.
Hiyawan ang mga manonood nang kantahin ni Xian ang OPM hit na “Mahal na Mahal”.
Well applauded din ang sarili niyang version ng “Harana” na pinasikat ng bandang Parokya ni Edgar.
Sing-galore ang binata with his performance of classic hits like: “Getting to Know Each Other” by international artist na si Gerard Kenny; “Hanggang Kailan” ni Wency Cornejo, at “Nandito Ako” ni singer-songwriter Ogie Alcasid.
Si KZ naman hindi nagpatalo sa saya na hatid ng performance ni Xian during the event with her rendition of the hit single “Royals” ng artist na si Lorde as her opening number na nagbiro patungkol sa ayos ng buhok niya na naka-dreadlocks.
Impressive ang mga performance ni KZ na kilala as a soul and R&B singer with her performance ng mga pinasikat ng bandang Eraserheads like “Alapaap”, “Pare Ko”, “Overdrive”, at “Ang Huling El Bimbo” na sinabayan ng crowd ang kanyang performance.
Sa mga kababayan natin overseas, abangan ang mga susunod pa na paandar ng The Filipino Channel (TFC) sa inyong lugar. To get more information ay paki-follow ang social media account nng TFC na @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.
Reyted K
By RK Villacorta