Xian Lim, lumabas ang ‘kabobohan’!

WE COVERED the 36th Gawad Urian Awards Night sa NBC Tent last June 18, and fabulous ang pagtatanghal ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, in cooperation with Cinema One Channel, production and network partner.

Alam na natin ang major winners by now like Nora Aunor as Best Actress for They Womb, Jericho Rosales as Best Actor for Alagwa, Alessandra de Rossi as Best Supporting Actress for Sta. Niña, Art Acuña for Posas, Adolfo Alix Jr. as Best Director for Mater Dolorosa, and Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim.

Hosts ng gabing ‘yun sina Richard Gomez, Iza Calzado, Xian Lim, Butch Francsico, and Ms. Cherie Gil.

Very disappointing si Xian, dahil kung anong ikinaguwapo niya and sleek dresser, eh siya namang palpak nito sa pag-pronounce ng salitang “Cannes” (Film Festival).

Sukat ba namang buong-ningning itong nag-pronounce na may “S” ang “Cannes”, samantalang dapat eh, SILENT “S” ‘yun, ‘noh!

Juice ko, nakaka-turn off tuloy si Xian sa ginawa niyang ‘yun. Ano ‘to, talagang wiz niya alam ang correct pronunciation of the word “Cannes”?

Hindi ba niya talaga alam? Naku, eh kailangan nga niyang mag-enroll sa finishing school, ‘noh!

Or huwag na kasing pag-host-in pa ng ABS-CBN si Xian kung ganyan rin lang na pagtatawanan siya in mis-pronouncing words.

Or kung talagang wiz alam ni Xian, eh ‘di sana, nag-rehearse muna siya ng kanyang spiels backstage, malamang, na-correct pa siya ng scriptwriter ng show na si Cris Violago!

Ang tanong ngayon eh, kung ie-edit o ide-delete na lang ng Cinema One Channel sa airing ang spiel na ‘yun ni Xian sa June 22, Saturday na 3PM and 11PM, and two other dates on June 23 and 26.

Dati nang “binabatikos” sa hosting job niya si Xian, sa isang Bb. Pilipinas coronation night naman. Hindi pa rin siya natuto.

Pinagtatawanan din ang Instagram photo ni Xian na nilagay niyang “56th Gawad Urian” daw, eh, “36th” pa lang nito, ‘noh! Wahaha!

Nothing against Xian, we admire his handsome looks, in fact, isa siya sa pinakaguwapong actors for us sa generation ngayon.

Sana’y mag-improve lang ang kanyang hosting chores next time. Walang masamang magtanong kung hindi sure sa pronunciation dahil bilang host, part ng trabaho niya ang mag-research, ‘noh!

BONGGA SI Rachelle Ann Go dahil sa kanyang fearless at adventurous role bilang si Jane Porter sa “Tarzan”, isang Broadway musical which goes on stage ngayong June 14 to July 7 sa Meralco Theatre.

Ayon kay Rachelle, ibang-iba ito sa kanyang “The Little Mermaid” kunsaan siya pinuri years back. “Mas malalim ito. Sobra ang dialogue niya. British accent pa!” wika niya.

Ang guwapo pa ng leading man niyang si Daniel Domenech who plays Tarzan. Isa siyang seasoned Broadway actor na gumanap sa “Rock of Ages” and “Aladdin” at nasa “Glee” pa.

Feeling intimidated at pressured tuloy si Rachelle.

“Broadway actor siya. Eh ako, second musical ko pa lang itong Tarzan,” say ng Viva artist.

Panalo rin daw ang professional work ethics ni Daniel, ayon pa rink ay Rachelle, saying na fast learner ito at “sobrang bait”.

Ayon sa mga naka-watch na ng “Tarzan” ay panalo raw ang chemistry ng dalawa on stage.

Ito na nga ang edge ni Rachelle sa ibang mga kasabayan niyang singer – ang ma-expose sa Broadway musicals, Pilipinas version.

Muling huhusgahan ang husay at galing niya bilang singer, sa higher level now, ang Broadway musical!

Kasama rin sa show sina Ima Castro (na agaw-eksena sa “The Full Monty”) at Jeffrey Hidalgo.

For ticket inquiries, call Viva Atlantis Theatricals at 6875853 local 661 or 673, 8927078 and 8401187 or Ticketworld at 8919999. Or log on to www.vivaatlantistheatricals.com.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleAyon sa abogado ni James Yap
Kris Aquino, tigilan na ang drama!
Next articleRosanna Roces, pabalik-balik sa munti?!

No posts to display