HINDI PA rin matapos-tapos ang issue tungkol sa pambabastos ni Xian Lim sa look-alike ni Kim Chiu sa Chinese New Year sa Binondo. Lumabas na naman ang kayabangan dahil kumita ang movie nila ni Kim.
Sa dalawang event na pinuntahan ko, maiinit na pinag-uusapan ng mga press people ang actor-actoran sa naging behavior nito sa kawawang babae.
Say nga ng kafatid sa panulat, “Gumawa na naman ng issue ang baklang ‘yan, nakakahiya. Nakakaawa ‘yung babae, nagmukhang tanga sa harap ng maraming tao. “
May nag-comment pa na baka kung guwapong lalaki ang hinarap sa harapan nito ay ikatuwa pa ni Xian at mabuhay ang dugo niyang berde. Bakit raw hindi magpakalalaki itong actor-aktoran kahit panandalian man lang na pagkukunwari. Tuloy, nabuhay muli ang issue ng kabaklaan tungkol sa kanya.
Hindi pa nga natatapos ni Xian ang galit sa kanya ni Jobert Sucaldito, ‘eto na naman siya at gumagawa ng negative issue about himself.
Huwag malunod sa isang basong tubig Xian Lim. Bilang artista, hindi ka puwedeng tawaging actor dahil hindi ka marunong umarte. Pasalamat ka kay Kim Chiu at sa mga fans nito na ginawa mong tungtungan para sumikat.
MALAKING PANGHIHINAYANG ni Gerald Mardid ang mga break na ibinigay sa kanya noon nang nagsisimula pa lang siyang mag-artista. Marami rin siyang makabuluhang pelikula na nagawa bago ito naging indie actor. Seven years nawala sa limelight ang actor bago ito nagbalik-showbiz.
“For awhile, naging anak muna ako ng mga magulang ko, tumutulong sa family business namin and eventually, nag-negosyo na rin ako nang kaunti.”
Palibhasa batang nag-asawa noon si Gerald kaya hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at nauwi sa hiwalayan.
“I’m seperated now legally and then after that dumating si Ness (Alma Moreno) sa buhay ko, ang pangalawa kong serious relationship. Hindi na nasundan ‘yun. Never na akong nakipag-relasyon pa, hanggang date-date na lang, ganu’n. Alam ni Ness kung gaano ko siya minahal kahit may mga kontra sa aming relasyon. Si Ness, maganda, mabait at maalaga… May mga bagay na kailangan nating magparaya sa ikabubuti ng taong mahal mo,” seryosong sabi ng actor.
Nang maghiwalay sina Gerald at Ness, pinutol na nito ang communication sa actress/politician.
“Noong malaman kong mag-aasawa na siya, siyempre, sa part ko, pangit namang makipag-communicate ka pa sa isang tao na alam mong may asawa na.”
Ngayong parehong malaya na sa kani-kanilang asawa sina Gerald at Ness, may possibility kayang magkabalikan ang dalawa? Ayon kay Gerald, walang closure ang kanilang paghihiwalay.
“Hindi mo namamalayan magkahiwalay na pala kayo… that time, medyo duministansiya ako kay Ness dahil sa pagpasok nga niya sa pulitika. Ayaw ko namang ako ang maging dahilan para masira ang kanyang political career. Nagparaya na lang ako at alam ‘yun ni Ness.”
Active na muli si Gerald sa kanyang pag-aartista. Simpatiko pa rin hanggang ngayon ang magaling na actor. Nagpapasalamat siya kay Direk Jorie P. Raquiza sa break na ibinigay sa kanya para maging bahagi ng indie film na Cattleya: OFW Story ng One World Film Production International starring Glaiza de Castro as Lea, asawa ni Rodel (Gerald).
Markado at very challenging ang role kaya agad nitong tinanggap ang project. Kahit supporting role, okay lang sa magaling na actor. “Movie ito ni Glaiza, support lang ako sa kanya.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield