AFTER umalis ni Xian Lim sa ABS-CBN Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency (VAA), ay hindi kaagad siya nabigyan ng big break sa pelikula. Oo nga’t kasama siya sa pelikula ni Sarah Geronimo sa Viva Films na Miss Granny pero hindi rin naman ganun kalaki ang role niya.
Now it’s his turn para muling magbida sa pelikulang Hanggang Kailan opposite Louise delos Reyes na sinulat ni Onay Sales and directed by Bona Fajardo.
Cute ang istorya ng Hanggang Kailan na tungkol sa magkasintahan na naka-schedule kung kailan sila magbi-break o maghihiwalay.
Relatable ba ang istorya sa millennial audience? Well, that’s the beauty of the story kasi nga, saan ka naman makakarinig ng istorya na may date kung kailan magbi-break ang magkasintahan? At sa Hanggang Kailan lang ito mapapanood.
Balik-drama si Xian sa latest movie niya. His last dramatic role was noon pang All About Her with Vilma Santos and Angel Locsin kung saan nanalo siyang Best Supporting Actor sa Star Awards.
“Mas comfortable at mas relax ako sa ganitong genre. Medyo madali na sa akin ang magdrama,” nakangiting pag-amin ng aktor.
Bukod sa acting, nagtatag na rin ng sariling production house si Xian – ang XL8, na part din sa pagbuo ng Hanggang Kailan.
Pero inamin ni Xian na sa kabila ng kanyang mga ginagawa, hindi pa rin maiwasan na paminsan-minsan ay magkaroon siya ng doubts sa kanyang sariling kakayahan.
“Yung doubts ko sa kaya kong gawin, sa skills ko, nando’n talaga, being able to speak in front of people… mga ganun. Ngayon, meron pa ring konting doubts, mahirap naman pag nawala na yung doubts kasi ibig sabihin nakampante na, hindi naman.
“Ayokong makapampante. Maganda rin yung may struggles talaga, if there’s no struggles medyo delicates,” pahayag pa ni Xian.
Palabas na ngayong Miyerkules, Feb. 6, ang Hanggang Kailan.
La Boka
by Leo Bukas