Baliw ang panahon last Saturday. Ang lakas ng ulan. Hindi man tuluy-tuloy, hindi mo alam kung kalian babagsak.
Rain or shine ay pinatunayan ng mga supporters and fans ni Xian Lim na mahal nila ang aktor.
Sa kanyang first major concert, “A Date with Xian”, na isinagawa last Saturdy evening sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, pinatunayan ng kanyang mga tagahanga na kahit bagyo man ay hindi sila basta-basta matitinag.
Kami nga, gusto na naming mag-back-out sa panonood ng show dahil hindi namin alam kung ano ang kahihinatnan ng panahon, dahil umaga pa lang, uulan dili ang kalangitan.
Akala ko nga, nakaalis na ang bagyo at patungong Taiwan, pero last Saturday evening pagdating namin sa Cubao, biglang bumagsak na naman ang malakas na ulan.
Pero it’s worth the travel from my place near Quezon Avenue patungong Cubao. Hanep sa gaing ni Xian.Total performer ang aktor. Sing and dance, ‘ika nga, plus ang pagtugtog niya ng iba’t ibang mga musical instruments (drums, piano, at ‘yong hand-held instrument na parang flute, pero may maliit na keyboard na ang tunog, matinis na parang pluta).
Opening number pa lang ay hataw na nang kantahin live ni Xian ang “Sweet Child of Mine” ng rock band na Guns and Roses.
Sexy ni Xian in his black muscle undershirt habang humahataw with Dawn Chang.
Aliw ang trumpet dance move niya at like na like naman ng crowd ang “Mr. Chinito” song performance duet nila ni Richard Poon.
Magaling din palang mag-rap si Xian habang ka-duet si Abra. Si Morisette Amon na kaduet din ni Xi ay ipinamalas ng aktor na he is not only a good actor tulad sa pinatunayan niya sa last movie niya with Angel Locsin and Vilma Santos, kundi magaling din siyang mang-aawit. May charisma.
Pero forget everything. Kalimutan na ninyo ang mga guests ng binata sa kanyang concert, dahil nang umakyat na sa entablado si Kim Chiu, ‘di magkamayaw ang mga fans at supporters ng dalawa.
Bongga si Kim sa kanyang interpretative jazz dance number with the Hot Legs dancers. Effective at well-applauded ang sayaw nila ng kanyang screen sweetheart (sa screen lang ba talaga?).
Inawitan si Xi ng mga fans niya ng “Birthday Song” na nandoroon sa loob ng Kia with matching cake, dahil on Tuesday, July 12, kaarawan ng binata and he is turning 27.
Pero tumili ka na to the max dahil ang advance birthday gift ni Kim kay Xi that evening was a kiss sa lips in front of thousands of fans ng dalawa.
Yes, after watching the show, pinatunayan ni Xian na hindi lang siya artista. Isa siya sa mga talented male celebrities natin sa kasaukuyan na hindi lang looks ang pambenta.
Sa katunayan, he is underrated na tatahi-tahimik lang na mas may ibubuga pa pala kumpara sa mga kaliga niya.
By the way, impressive ‘yong pagtugtug niya on piano ng isang classical piece na kung hindi ako nagkakamali was one of the popular composition of the great Mozart na “Rondo Ala Turca” na walang nakagagawa nu’n sa mga artista natin as far as I know at abot ng alaala ko.
I enjoy my night with Xian. Thanks to Gen for my tickets who belong to the KATG (KimXian Around the Globe). Their group is also part of an association of KimXi fan group called United KimXian fan groups.
Happy birthday, Xian… and congratulations!
With my Saturday date with Xian Lim, I was entertained and amazed by the actor’s talent. Mabuhay ka!
Reyted K
By RK VillaCorta