Ayaw magdetalye ng mahusay na actor na si Xian Lim patungkol sa kung ano na ba ang real score sa kanilang dalawa ni Kim Chiu, ang kanyang ka-love team.
Tsika nga nito, “Katulad ng sabi ko sa mga nauna ko nang interview, mahirap kasing magsalita about it. Baka lang kasi madagdagan, magkaroon ng bawas, magawan pa po ng kuwento.
“Hindi ko kasi mapatatawad ang sarili ko kapag may nangyari, kapag may mga magiging gawa-gawang istorya about our relationship.
“Masakit ‘yun, masakit ‘yun sa amin, pero ang usapan namin ni Kim Chiu, just in case na magkakaroon kami ng misunderstanding, ayusin na kaagad namin at hindi na palalakihin pa.
“Okey naman kasi ang relasyon namin ni Kim, nagkakaintindihan kami,” pagtatapos ni Xian Lim.
ParangNormalActivity, patok sa mga manonood
CONSISTENT ANG lakas sa manonood tuwing Linggo ng gabi after ng PBA ang teen horror/ suspense/ drama ng TV5 na “ParangNormalActivity” na pinagbibidahan nina Ella Cruz, Kiray Celis, Andrei Garcia, at Shaun Salvador mula sa direksiyon ni Perci Intalan.
Bukod kasi sa mataas ang ratings nito at sandamakmak ang commercial ay lagi rin itong trending sa Twitter every Sunday. Usap-usapan din ito sa social media habang pinalalabas. Dagdag pa riyan ang dami ng mga taong pumupunta sa kanilang mall tours.
Kahit kami nga ay nagulat nang minsang makasama ang isa sa cast ng ParangNormal na si Shaun Salvador sa isang mall at marami ang tumatawag sa kanya ng ‘Third’ at may mga babae, bading, at pamilya na nagpapalitrato dito at nagsasabing nanonood sila ng ParangNormal.
May fan base at regular viewers na nga ang nasabing palabas na siyang tumututok tuwing Linggo na talaga namang nag-e-enjoy sa panonood ng ParangNormalActivity dahil sa magandang istorya linggo- linggo at magandang pagkakagawa.
Masayang bakasyon sa Batangas
ISANG MAKABULUHANG Mahal na Araw at nagsilbing bakasyon na rin sa Calaca at sa Taal sa Batangas ang aming experience sa pamamalagi roon kasama ang Viva staff na si Edwin Parungao at driver Jay Allanta nang tatlong araw.
Bukod sa pagbi-Visita Iglesia, muling naka-bonding namin ang aming matagal nang kaibigan na si Raye Bathan, kung saan sa kanila kami tumuloy. Gusto rin naming magpasalamat kina Nanay Conching, Ate Omi and Kuya Rico, Ate Elsie and Kuya Jimmy, Ate Therla and Kuya Boy, and Kuya Amo. Naka bonding din namin ang kaibigang Kapitan Edrich Atienza and wife Loveliness, Taal Dancing Councilor June Manimtim, Junvie, Lei Anne and photographer/ designer Bobby.
John’s Point
by John Fontanilla