Masuwerte si Xian Lim na makatrabaho niya sina Governor Vilma Santos at Angel Locsin sa pelikulang “Everything About Her” na dinirek ni Bb. Joyce Bernal under Star Cinema.
“We prepared a lot, naibigay naman niya, happy naman ako. Si Xian, nagtrabaho rin ng sobra. Months before pa kami magtrabaho, mayroon na kaming character analysis. Kahit wala ako, mayroon siyang character development. Hopefully, makikita sa pelikula, trinabaho ni Xian ‘yung character niya,” pagbibida ng blockbuster director.
Kinarir ni Xian ang character na ginagampanan niya rito as Albert, son of Vilma. Patutunayan niyang puwede rin siyang maging magaling na actor.
“Medyo hihiwalay ka talaga sa ‘yong comfort zone. Very thankful and proud dito sa project na ‘to. Hanggang ngayon sasabihin ko, ang pakiramdam ko para akong nasa langit. Nabigyan ako ng pagkakataon, hindi lahat nabibigyan ng ganitong chance na makatrabaho sina Vilma Santos at Angel Locsin. I’m really proud to be given this opportunity, salamat talaga ako,” say niya.
Always ready si Xian pagdating sa set. Inaral na nito ang kanyang mga dialogue. “Even before akong nag-shooting, I really make it sure na alam ko ‘yung character ko at alam ko kung ano ang gagawin ko sa set. Hindi ‘yung saka pa lang ako magbabasa. Dapat months before the shooting pinag-aralan ko na kung ano ang dapat kong gawin. Laking pasasalamat ko sa proseso ni Direk Joyce.”
At first, medyo may kaba factor si Xian Lim kay Direk Joyce dahil sa kakaiba itong mag-motivate ng mga artista. Bawal sa set na bumati man lang siya sa kanyang co-stars na sina Ate Vi at Angel. Wala raw pakialam ang director kung magalit kay Xian ang mga ito. “‘Yung unang eksena ko na galing ako sa States (with Ate Vi at Angel), isa pong priceless scene. Pagkatapos naman ng day one scene, p’wede na kaming magusap. Nagpa-picture na ako sa kanila. Nakakatuwa ‘yung experience, dahil marami akong natutunan sa kanila sa pagiging professional, sa pakikitungo sa lahat ng tao,” pahayag ng actor.
After this film, magiging serious actor na kaya si Xian? “Hindi naman, parang testing the waters lang po ito,” mabilis niyang sagot.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield