SA PANGATLONG pagtatambal nila ni Kim Chiu sa latest offering ng Star Cinema na Past Tense, kung saan kasama nila si Ai Ai delas Alas, masasabi raw ni Xian Lim na talagang nag-mature na rin silang dalawa bilang magkapareha.
“No’ng una, I always tell everyone na… ‘yong comfortability namin,” sabi nga niya. “Pero this time, I realized na kapag magkaeksena kami together, open lang talaga kami for mistakes.
“And siyempre everytime there’s mistakes, kumbaga kung pagsasabihan man ako ni Kim na… paano kung ibahin mo ito? Or kung may input siya. We’re open for the… ‘yong constructive criticism namin sa isa’t isa. Nag-worked talaga.
“Kasi if you guys work together, para… napag-uusapan. It works better that way. Hindi ‘yong maggugulatan na lang kayo sa eksena. Na parang… ‘eto ‘yong sa akin, ‘eto ‘yong sa iyo. Hindi gano’n. Dapat swak lang. Dapat jive lang talaga.”
Kung ang pag-uusapan ay ang relationship nila ngayon ni Kim, how is it nga ba today and how does he want to see it in the future?
“Now we are… I’m very thankful. Sobra akong masaya na meron akong nakilalang isang katulad ni Kim Chiu. Dahil no’ng pagkadating ko pa lang sa Pilipinas, tinitingnan ko lang ang billboard niya. Na… ang ganda-ganda naman nito, crush ko ‘to, ‘yong mga gano’n.
“Pero other than that, ‘yong… to be able to open up to someone, bihira iyon, e. Bihira kang makakahanap ng… Maybe you might have a lot of acquaintances. You might have a lot of people you say hi and hello. Pero bihira lang ‘yong talagang naiintindihan ka and jive kayo together.
“Ako, I found Kim. And thankfully, iniintindi niya ako palagi. Meron akong nasasabihan ng mga problema ko at sama ng loob. And in the future, sana mas mag-blossom pa. At ‘di ba nga… may mga stages ‘yan? Sana mas mag-level up pa. ‘Di ba?”
May effort ba siyang ginagawa para mas mag-level up ang samahan nila ni Kim?
“Oo naman!” sabay ngiti niya. “Oo naman. Yes.”
Kung iri-rate from 1 to 10 ang lalim ng pagtitinginan nila, anong rating ang maibibigay niya?
“Alam mo mahirap mag-rate ng friendship. Mahirap kasi it’s always… meron palagi kayong… maski nga ‘yong mga matatanda, there’s always mga new things that they discover sa isa’t isa. So, it wouldn’t be fair to rate it. Pero… safe from 1 to 10, sabihin na nating 9. And the remaining 1, parang room for improvement. Para meron pang room to know that person more. ‘Di ba?”
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan