Smooth ang shooting ng pelikulang Corpus Delicti nina Xian Lim at Marco Gumabao. Nasa direksyon ito ng magaling na si Toto Natividad, na kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang isa sa mga direktor ng action scenes sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsiyano.
Naisulat na namin ang tungkol sa movie na ito na produce ng Skylight Films na sister company ng Star Cinema. ‘Yun nga lang, noong isinusulat namin ang item tungkol kay Marco, nag-skip sa amin ang titulo. Pero tama rin kami nang isulat namin na Latin-sounding ang titulo ng pelikula.
Sa mala-action movie na ito, Xian plays a police na kapatid ni Marco. May rason kung bakit police ang role ng aktor sa pelikula at si Marco naman plays an investigative reporter. Ayaw kong i-preempt ang istorya, na for me ay very interesting lalo pa’t kuwento ito ng isang news reporter at ng isang policeman.
Tungkol kaya ito sa pang-aabuso ng kapulisan, na sa pag-iimbestiga ni Marco ay may natapakan siya?
Exciting ang pelikula ito, lalo na sa career ni Xian na for the meantime ay inililihis muna ang kanyang pa-tweetums at boy-next-door image sa pagbabago ng kanyang career path.
No Kim Chiu muna on the side, habang ang dalaga naman ay tila nag-e-enjoy sa balik-tambalan nila ng ex-boyfie na si Gerald Anderson para sa isang bagong teleserye sa Kapamilya Network.
Ang alam ko, challenging ang role ni Xian. “You won’t believe sa magiging karater ni Xian sa movie. Hindi mo inaasahan na p’wede na niya palang gawin ‘yong karakter niyang ‘yun sa bago niyang movie,” sabi sa amin ng isang production insider recently.
Reyted K
By RK VillaCorta