NAG-INTERBYU KAMI ng mga manininda at mamimili sa palengke ng Arranque Market sa Recto, Manila. Nag-survey kami kung sino para sa kanila ang pinakasikat na artista.
At alam n’yo ba kung sino ang lumabas?
Si Coco Martin.
Dahil halos lahat ay nanonood pala ng Walang Hanggan.
Me isang nagsabi ng pangalang Ogie Diaz, natawa lang kami.
Kami, sikat? Hahahaha! Ano kami, araw?
Pero thank you pa rin. Masarap pa ring marinig na kilala pa rin kami ng mga tao, dahil sa Walang Hanggan.
NAKAKALOKAH ANG ibang fans ni Xian Lim, inaakusahan kaming hate namin si Xian porke hindi namin masyadong pinupuri. Well, intindi naman namin ang mga fans, eh. Gano’n talaga sila. Lahat naman ng pumapabor sa kanialng idolo ay ipinagpapasalamat nila, eh.
Kami kasi, ‘pag me ginawang kahanga-hanga, nangunguna kami sa pagpupuri. Pero ‘pag medyo hindi kami sold o solved sa ginawa, nagbibigay rin naman kami ng opinyon.
Wala namang maling opinyon sa taong may-ari ng opinyon, eh.
Medyo na-off lang kami sa ginawa ni Xian na ‘yung birthday greeting card niya para kay Kim Chiu ay isinapubliko niya. O, sabihin na na-ting ishineyr niya sa kanilang mga fans. Parang ang sagwa.
Parang hindi isang gentleman ang may gawa.
Imagine, personal na regalo mo ‘yon sa taong may kaarawan, ba’t kailangang kunan mo ng picture muna bago ibigay at i-post ang sinulat mong message sa card sa instagram. Parang hindi sincere ‘yung gumawa.
Parang nagpa-good shot lang sa mga fans ng kanilang loveteam. Hindi galing sa puso ang gawa, kungdi sa utak. Kaya na-sad kami bigla, kasi, hindi ‘yon ang ine-expect namin sa isang gentleman.
Although hindi naman kabastusan ‘yon. Pero sana, si Kim na lang ang nag-post sa instagram nito para maramdaman ng kanilang mga fans na sobrang na-appreciate ni Kim, kaya ipinost nito sa kanyang instagram ang birthday card ni Xian.
Sana nga, ganu’n na lang ang nangyari. Ibang tao ang nagmalaki ng good deed mo, hindi ‘yung may-ari ng deed mismo.
PAG-UUSAPAN BUKAS ang ilang artistang sikat sa Showbiz Inside Report at paano silang nagsimula at narating ang kanilang inaasam na tagumpay.
At bakit meron ding mga artistang sumikat, pero ang daling na-laos? Ano ba ang dahilan ng kanilang pagsikat? Ng kanilang paglubog?
Hindi ba kayang dalhin ng artista ang kanilang sarili ‘pag nasa itaas na sila?
Nako, bukas ‘yan, promise, talakayin natin pagkatapos ng It’s Showtime.
APRIL 28, Saturday at 9pm, bukas na ang riot sa sayang “It’s More Fun In Zirkoh!” nina Marissa Sanchez, K Brosas, Kim Idol, tatlo sa mga komedyanteng totoong nakakatawa.
Kasama rin sina Bryan Termulo, Alex Castro, Rox Puno (mas gwapo sa amang si Rico), trio nina Lloyd Zaragoza, Brenan Espartinez at Joshua Desiderio at ang bagong comic duo a la Porkchop na sina Alex Calleja at Kuya Jobert Austria.
Alam n’yo bang ‘pag nanood kayo, nag-enjoy na kayo sa entrance fee lang na P600, eh, nakatulong pa kayo sa mga indigent breast cancer patients na inaalagaan ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc. na nasa East Avenue Medical Center lang?
Yes, kaya nga, nagpapasalamat din ang KaSuso Foundation sa Malungay Life Oil, Kopi Roti, Luyong Restaurant, Design Studio, New York Spa Morato, MediaCom Karaoke at Dental First West Avenue.
Sa mga gusto pang bumili ng tickets, tawag lang kayo sa 0917-5077766. Let us be a blessing to the breast cancer patients.
Oh My G!
by Ogie Diaz