Si Xian Lim ang nanalong Best Supporting Actor sa bagong award-giving body na GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students). Napansin ang galing niya sa pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema na pinagbibidahan din nina Vilma Santos at Angel Locsin.
“Thank you again sa Star Cinema at kay Direk Joyce (Bernal) for giving me the role of Albert Mitra. Nu’ng nakita ko ‘yung post nila about being their Best Supporting Actor sabi ko, ‘Wow, all the hard works just paid off.’ And it just made me so happy, mas na-inspire pa ako lalo sa trabaho na ‘to,” reaksyon ni Xian.
Balik-teleserye naman si Xian sa ABS-CBN. Siya ang bagong karakter na nadagdag sa primetime series ng Star Creatives na “A Love To Last” na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo. Gaganap si Xian bilang dating kababata ni Bea sa Batangas.
Mas nadagdagan ba ang confidence niya ngayon sa pag-arte pagkatapos magka-award?
“For any actor, talagang ang maka-receive ng award is an added bonus. ‘Yung pagod at hirap pala na binuhos ko rito (Everything About Her), ito pala ‘yung kayang marating. So, kumbaga, it serves as a benchmark, it opened a lot of doors, a lot of opportunities,” pahayag ng binata.
La Boka
by Leo Bukas