ANG SOON to be husband ni Karylle na si Yael Yuzon ng Sponge Cola ang tunay palang dahilan ng ‘di pagkakaunawaan nina Vice Ganda at Karylle. Hindi raw kasi nagustuhan ni Vice ang sinabi ni Yael kay Karylle na bakit daw bakla pa ang inila-loveteam sa kanyang GF na si Karylle sa It’s Showtime na ikinagalit ni Yael na ikinuwento ng director ng show kay Vice.
Minsan daw kasing ‘di pumasok si Karylle sa kanilang afternoon show na ang paalam ay may sakit ito, pero ‘di sinasadyang nag krus ang landas nila ng director ng, kaya naman tinanong ito kung bakit ‘di pumasok at sinagot ni Karylle na umiiwas lang siya dahil nga baka raw sumugod na ng studio ang BF niyang si Yael dahil nga sa hindi nito naiibigan ang pagla-loveteam sa kanila ni Vice.
Nalulungkot lang daw si Vice sa nangyayari dahil mahal niya at itinuturing na isa sa pinakamalapit na kaibigan si Karylle. Sa ngayon daw ay professional na lang ang pinagsasamahan nila ni Karylle bilang magkatrabaho sa It’s Showtime. Pero alam naman daw nito na darating ‘yung time na magkakaayos din sila. Pero hindi pa raw ngayong ang tamang panahon dahil masyado siyang nasaktan sa mga pangyayari.
Two weeks daw mawawala si Vice sa bansa dahil magkakaroon ito ng shows sa America. Ito na rin daw ang magsisilbing bakasyon at pahinga sa sunud-sunod na dami ng trabahong ginagawa lately.
MAGANDA AT kapaki-pakinabang ang layunin ni Atyy. Eugenio “Toto” Villareal, chair ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). At ito ay ang magbigay ng awareness sa mga Filipino through seminars ng iba’t ibang TV and film ratings at kung papaano makatutulong ang mga kababayan nating Pinoy.
Kuwento nga ni Chair Toto, “My mission is to make the board more relevant and responsive. “Our aim is to raise awareness about the new classification system for television and the movies.
“Our duties are to screen and rate film and TV material, and approve, disapprove, exempt, decide on appeals according to existing rules.
“Basically, the current ratings on TV are G (viewing of all ages), PG (necessary guidance of parent or adult) and SPG (greater parental responsibility) introduced in 2012.
“Katulad ng G (for all ages, which also covers trailers, publicity material in all media), PG13 (parental guidance for children below 13 accompanied by adult), R13 (Restricted to 13 years up), R16 (for ages 16 up), R18 (strictly 18 up) at X (not for public viewing),” pagtatapos ni Chair Toto.
MAGKAKARAOON NG malawakang auditions sa buong Pilipinas ang isa sa most prestigious beauty pageant sa bansa, ang “Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines na magsisimula sa February 15 and 16 – SM Davao; February 22 and 23 – SM Cagayan de Oro; March 2 – SM Iloilo; March 8 and 9 – SM Consolacion Cebu; March 16 – SM Naga; March 23 – SM Baguio; March 29 – SM Lipa, Batangas; April 5 and 6 – SM San Fernando, Pampanga; at April 12 and 13 – SM Mall of Asia.
Kung ikaw ay 4 to 17 years old (girls) na gustong tumulong sa pagpo-promote ng environmental awareness at Earth preservation ay maaari kang sumali at mapabilang sa engrandeng pageant night na magaganap sa May 27, 2014 sa Mall of Asia Arena at mapapanood sa June 1, 2014 sa GMA 7’s Sunday Night Box Office.
At ngayong taon, ang isa sa masasabing pinakamalaki at bonggang Miss Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines . At ayon nga kay Vas Bismark, president of Captured Dream Productions and the pageants’ trademark owner, “Miss Teen Earth Philippines and Little Miss Earth Philippines want to spread awareness about the different environmental issues, organize activities to help preserve nature and be able to mobilize Filipinos to act with love and purpose in creating a cleaner, greener environment.”
John’s Point
by John Fontanilla