IPINAGSISIGAWAN NI Yael Yuzon, fiancé ni Karylle na hindi siya nagdi-discrimate laban sa ma bading.
To quote him: “I do not discriminate against gay people. I never did and I would never say anything na ganu’n.”
Eh. ‘di sino angnagsabi? Sino ang gumagawa ng kuwento para magkagulo?
Sa get-together ni Vica Ganda last week, ipinahayag ng komedyante-host na ito ang ipinarating sa kanya na dahil sa statement na ‘yun ni Yael, ang LGBT community ngayon ay galit sa kanya.
Maging si Vice, bad trip sa statement ni Yael na nang-iinsulto sa pagkatao ng sino mang girl, boy, bakla, tomboy na mas pinilit na mamuhay ng alternatibo.
Si Vice, gumagawa lang ng istorya? Si Direk Bobet Vidanes ng It’s Showtime is just putting words into Yael’s mouth para lang mag-away-away ang mga artist-host ng noontime show?
Sa social media, nagpahayag na ang kampo ni Yael na nakipag-usap na raw siya kay Vice para ayusin ang gusot.
Sige na nga, si Direk Bobet ang sinungaling. Hayaan mo na at nag-react si Vice sa anti-gay statement ni Yael na ngayon ay naghuhugas-kamay.
Ikaw talaga Direk Bobet, intrigero at maninira. Ikaw talaga, Vice gumagawa ng kuwento dahil hindi naman daw ganu’n si Yael.
Naman! Sige na nga!
NANANAHIMIK SI Quezon City Mayor Herbert Bautista pero heto’t malayo pa ang eleksyon ay may demolition job na naman ang bagong kampo para sirain ang kredibilidad niya.
Minsan, sa pakikinig namin sa DZMM sa programa ni Ted Failon sa umaga, binakbak niya si Mayor Bistek at kung anu-anong intriga ang ibinato on the spot nang live na sa bandang dulo ng interview ay nag-punchline ito na tipong gustong itaas ang imahe ng kaibigan niyang si Noli Boy de Castro.
Come 2016, si Noli Boy planong tumakbo sa pagka-Mayor sa Quezon City. Kaya siguro ngayon pa lang (magkaibigan sina Ted at Noli Boy) sinisimulan na ng kampo nila na buwagin si Mayor Bistek.
Pero sa nakaraang Valentine’s Day, pinatunayan ni Mayor Herbert na after all the complains and intriga laban sa kanya, love pa rin siya ng mga constituent niya lalo na ang mga senior citizen na tuwang-tuwa sa pa-free show ng mga kaibigan ni Mayor na para sa oldies ng Bistekville sa may bandang Payatas.
Market ng magaling na si Dulce ang oldies na nanood sa libreng show cum pa-dinner na kami mismo, nag-enjoy sa roast beef at chicken afritada.
Maging si Inang Willy Jones, umarya sa kayang Shirley Bassie songs na maging kami naaliw rin kahit ang type namin ay ang tugtugan at kantahan ng bagong kilabot ng mga kolehiyala na si Michael Pangilinan (I love his Kung Sakali revival song of Pabs Dadivas) at Jimmy Bondoc.
First time naming nasilip ang Bistekville, ‘yong relocation site ni Mayor Bistek para sa urban settlers ng Quezon City.
We love the place, parang small village na hindi mo iisipin na dati, mga galing squatter areas ang mga nakatira.
Kung puwede nga lang makakuha ng isang unit (if I am not mistaken it’s less less than half a million ang isa) ay kukuha kami pero hindi pupuwede.
How I wish na may ganu’ng projects si Mayor Bistek para sa entertainment writers at I am sure happy ang mga beki.
ANO KAYA ang tsika between Luis Manzano at Jennylyn Mercado na nang mag-break ang dalawa, may dialogue daw ang binata sa dalaga na tipong, “Don’t talk to mom. Don’t talk to my dad. Don’t ever ever do that…”
Ano kaya ang ibig sabihin ni Luis? Tila may itinatago sila ni Jennylyn….
Reyted K
By RK VillaCorta