NABUHAY NA NAMAN pala itong kaso nina Yasmien Kurdi at Baron Geisler, huh!
Nag-hearing na naman pala nu’ng kamakalawa ng hapon sa Bocaue Municipal Trial Court na dinaluhan ni Yasmien pero no show naman si Baron.
Ang sabi ng abogado ni Yasmien na si Atty. Frederick Topacio, dapat ay preliminary conference na raw ‘yun, pero wala si Baron kaya na-move ng October 5 ang susunod na hearing.
Napakalayo, ‘di ba? Pero sabi ni Yasmien kahit tatagal pa iyan, hindi niya iuurong iyan at tuloy pa rin ang kaso.
Naloloka lang siya dahil hindi na naman sinipot ni Baron, na ang palusot ng abogado niya, sa ibang address daw kasi pinapadala ang subpoena kaya hindi raw natatanggap ng aktor.
Sa bahay raw ng tita nito napapadala ang subpoena, kaya ibinigay na nila sa korte ang eksaktong address nito.
Ayaw namang magpakanega ni Yasmien sa isyung pagpapa-rehab ni Baron pero sana makikita raw niya ang totoong pagbabago nito.
Ang haba nga ng explanation ng alaga kong iyan tungkol sa pagpaparehab na parang ang dami-dami niyang alam pagdating sa medical procedures nito dahil isa na siyang Nursing student, ‘di ba?
Mas naka-focus nga ngayon si Yasmien sa pag-aaral kesa sa pag-aartista dahil mas masaya raw siya ngayon sa ganitong buhay na isa siyang estudyante.
Kailangan daw niyang makapagtapos sa Nursing dahil dito raw niya nakikita na ito ang gusto niyang career.
Kinukuwento nga niya sa Startalk reporter namin ang mga experience niya sa Nursing, kasi nagpa-practice na siya sa school. Nag-a-assist na nga raw siya sa panga-nganak kaya kakaibang experience daw ito sa kanya.
Hindi pa masasabi ni Yasmien kung kailan siya babalik sa showbiz pero kailangang matapos daw muna nito ang pag-aaral niya.
AYAN NA NAMAN! Hindi na naman natuloy nang pag-uwi si Nora Aunor sa Pilipinas!
Tama nga si Kuya Germs na hindi talaga ito matutuloy, dahil siguro alam naman nito kung ano talaga ang problema kung bakit natatagalan ang pagbalik niya rito.
May despedida party pa silang pinapakita pero wa pa rin pagka-apir ang Superstar sa airport.
Ang dami nga raw media na naghintay roon pa lang sa LAX airport pero walang Nora Aunor na dumating.
Ang sabi na naman nila, July 27 na raw ang alis nito. Pero ewan ko lang, ha? Baka magulat na lang tayo, nandito na pala siya.
Tingnan na lang natin kung talagang makakauwi nga siya. Baka ang ending niyan, papalitan na lang pala si Nora sa role na ibibigay sana sa kanya ni ER Ejercito sa pelikula nito. Hay naku! Parang hindi pa tayo nasasanay sa Superstar natin!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis