HINDI NAITAGO ni Yasmien Kurdi ang kalungkutan nang malaman na may cyst siya sa lalamunan at kailangan na raw agad na operahan.
“Kaya pala paos ako sa buong taping ng Rhodora X. Kaya pala kapag kumakanta ako, paos at hirap na hirap akong magsalita. Kapag sisigaw ako nang konti, paos na kaagad,” say ni Yasmien.
Hindi pa alam ni Yasmien kung benign or malignant ‘yung cyst. Basta kailangan daw operahan kaagad.
“Hindi ko na binasa ‘yung result. Naiiyak ako kapag nakikita ko siya. Parang ayaw ko siyang buksan na nasa envelope,” pag-amin pa ni Yasmien.
Ang gagawin daw kapag tinanggal ‘yung cyst niya sa throat ay one month siyang hindi makapagsasalita. Ayon pa raw sa mga doctor niya, walang kasiguraduhan na babalik ang dati niyang boses.
“Eh, singer po ako. Paano na lang kung hindi na bumalik ang dati kong boses. First love ko kasi ang singing at second na lang ang acting,” malungkot na pahayag pa ni Yasmien.
KRITIKAL PERO nararapat ang naging desisyon ni Senator Bong Revilla na ituloy ang paggawa ng pelikula. Balak kasi ns senador na isali sa darating na Metro Manila Film Festival ang bagong kabanata ng Ang Panday.
Matatandaang noong nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr. ay ibinigay niya ang bendisyon kay Bong para ipagpatuloy ang sequel ng Panday. Si FPJ ang tumulong kay Joseph Estrada para maging Pangulo ng bansa at si Da King din ang nagdala upang magwagi bilang topnotcher ang kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares. Kaya dapat lang na ipagpatuloy ni Senator Bong na ituloy ang pagsasapelikula ng sequel ng Ang Panday.
Sana hindi maging problema ang pag-freeze ng pera at ari-arian ng senator dahil sa pagkakasangkot ng senador sa pork barrel scam. Well, if ever na gipitin talaga si Sen. Bong, nandiyan naman ang mga kapatid niya para tumulong sa pagpo-produce ng nasabing pelikula.
Samantalang kahit na anong busy ni Sen. Bong, sinisiguro niya na makapaglaan ng araw para makapagtaping ng Kap’s Amazing Stories na napapanood every Sunday sa GMA 7, dahil nakapagbibigay aral ang show sa mga televiewers lalo sa mga kabataan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo