NAGIGING STAPLE NA sa dramarama sa hapon ng GMA-7 ang Starstruck graduates turned serious actors na sina Mike Tan at Yasmien Kurdi sa upcoming teleserye na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”.
Ongoing pa rin ang top-rating afternoon series na “Ika-6 na Utos” nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon, pero months ago ay umexit na ang karakter ni Mike Tan bilang Angelo. For the first time ay makakasama ng binata na Ultimate Male Survivor ng second season ng Starstruck ang first princess ng kauna-unahang sabak ng Starstruck na si Yasmien Kurdi.
Katulad ni Mike, sa panghapon din natotoka si Yasmien with her last project “Sa Piling ni Nanay” na nagkaroon ng bonggang following sa Malaysia (with the English title “Ysabel”). No doubt she’s one of the Kapuso network’s favorite afternoon leading lady, which is a compliment dahil aminin natin – mas mabenta ang panghapong programa ng Siyete ngayon compared to their primetime shows.
Ayon sa isang recent interview kay Yasmien, she will play the role of Thea, isang rape victim na mapapangasawa ang karakter ni Mike Tan. Later on sa story ay mabubunyag na may HIV pala ito na pati ang mga supling niya ay nahawaan. It is more of an advocacy series para maging aware ang mga masa.
Kasali rin sa teleserye si Jackie Rice (na isa sa underrated Starstruck winner) and Martin del Rosario, na isa sa reliable actors ng bagong henerasyon.
Sa first quarter ng 2018 ipapalabas ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”. Hindi lang kami sure kung ito ang papalit sa “Ika-6 na Utos”, “Impostora” o “Haplos”. Paano ba naman, petmalu sa ratings ang tatlong palabas!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club