Stand out ang beauty ni Yasmien Kurdi nang humarap sa press para sa launching ng kanyang comeback serye sa GMA 7 na “Sa Piling Ni Nanay” dahil sa suot niyang gown na litaw na litaw ang cleavage ng kanyang malusog na boobs.
Akala ng grupo ng press sa table ay naka-push bra lang ito kaya umalsa ang boobs, pero kaagad na sinabi ni Yasmien Kurdi na wala siyang suot na bra.
Tanong tuloy kay Yasmien ng press ay kung hindi ba siya naiilang na lumabas ng bahay nang walang bra?
“Hindi po, at saka sanay akong walang bra dahil sa bahay wala rin akong bra. Eh, minsan masakit, ‘di ba, kapag lagi kang naka-bra?” say ni Yasmien.
Gusto ba naman ng mister niya na si Rey Soldevilla na isang piloto na wala siyang suot na bra sa kanilang bahay? “Siyempre, gusto niya ‘yun! Hahaha!”
In fairness, puwede ring lumaban sa paseksihan si Yasmien sa tulad niyang hot mama na sina Jennylyn Mercado at Katrina Halili na naging kasamahan niya sa Startstruck I dahil sa malusog niyang boobs at matambok na butt.
Dahil naging cover girl na rin sa men’s magazine ang mga naging kasamahan, natanong tuloy siya kung payag ba siyang maging cover girl din ng mga glossy men’s magazine?
“I think FHM po, hindi. Pero other magazines po like mga Rogue, okey po. Pero ‘yung thought lang po na men’s magazine, hindi. Example po, Maxim, Playboy, FHM, ‘yung collectors item parang hindi na tugma dahil pamilyado na ko.”
Eh, bakit sina Jen at Katrina ay may mga anak na rin, pero napapayag maging cover girl ng FHM?
Ang naging rason naman ni Yasmien, “May asawa na ako. Parang respect na rin to your husband na parang maging collector’s item ka ng mga guys. Parang ang hirap din iano, pero kung like ‘yung Rogue Magazine, sa loob, artistic naman siya and everything puwede.”
Sa “Sa Piling Ni Nanay”, bida si Yasmien at sobrang excited siya sa kanyang role bilang babymaker/ surrogate mother kaya nag-research pa raw siya para maging makatotohanan ang mga eksenang gagawin niya sa serye na magsisimula nang mapanood sa GMA 7 this week.
Bago nagsimula ang proper presscon ay naitanong namin kay Yasmien kung sa tunay na buhay ay papayag siya maging surrogate mother?
Walang kagatul-gatol na sinabi niyang okey lang at papayag siya para makatulong sa mga ina na gustong magkaanak.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo