NAKAPANINIBAGO ANG role ni Yasmien Kurdi sa remake ng Yagit na nagsimula nang umere sa GMA 7. Isang bar girl ang kanyang karakter at talagang may mga eksenang nag-i-strip dance pa siya.
“Actually po ano… medyo nakakatawa lang siya no’ng ginagawa ko siya,” aniya. “I was having fun. Nai-enjoy ko ‘yong role ko. Tinuruan po ako kung paano maging seductive na gano’n sa eksena. Uhm… siyempre sina Direk Gina (Alajar) sinasabi na kulang pa, gano’n. Tapos sinasabi sa akin… try to internalize. Para mapasok ko ‘yong character. And that time, I was just having fun. Hindi naman siya masyadong nakaka-pressure.
“At first lang, nakaka-shock. Kasi no’ng sumayaw nga ako, ang daming guys. Punum-puno ng mga lalaki sa buong paligid. Sa isang bar Timog kinunan ‘yong scene. So, nakaka-tense. Pero ano naman po, okey lang. Malakas naman po ang ilaw. So, deadma lang. Basta nando’n ako sa role ko. Focused ako ro’n sa dancing ko kaya parang… bahala kayo sa buhay ninyo. Hahaha!”
Ipinagpaalam ba niya ito sa husband niya?
“Wala naman pong problema sa kanya, e. Natatawa lang siya. Sabi niya sa akin… huwag kang siga! Kasi nga po siga akong umarte. Nagpapakababae na po talaga ako ngayon. Lagi pong sinasabi sa akin… konting hinhin. Na landian kapag sa mga scenes na nasa bar at huwag parang siga. Kasi ‘yong body language ko, siga raw ako!” natawang sabi pa ni Yasmien.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan