“I’m very excited. I’ve been waiting for this po kasi two years ago,” bulalas ni Yassi sa digital presscon ng More Than Blue. “Kung matatandaan n’yo po we teased on it two years ago. Pero dahil po sa schedule, dahil na rin po sa pandemic naurong nang naurong.
“I’m very grateful na finally nakahanap kami ng schedule na available kaming lahat. I’m very excited din po kasi dahil isa po ito sa mga pinakapaborito ko pong ginawang proyekto,” sabi pa ng dalaga.
Si Nuel Naval na director ng blockbuster MMFF film na Miracle In Cell No. 7 ang siya ring director ng More Than Blue.
Ano ba ang preparations na ginawa niya bilang paghahanda sa role?
Kuwento ng aktres, “When I read the script pa lang, iyak na ako nang iyak. But I got nervous kasi Cream is very different from my character Alyana which I’ve played for many years in Ang Probinsyano.
“Cream has a very happy personality, lives day by day and she can be very spontaneous, but it can be both a curse and a blessing kasi iniiwasan niya ang problema when she should confront it and try to process it. Eh, si Alyana iba talaga yung character niya, di ba?”
“I read it once, pero nung binasa ko siya ulit, naalala ko yon kasi nando’n ako sa may poolside tapos umiiyak ako nang sobra tapos may bisita kami sa bahay. So ang ginawa ko lumubog ako sa swimming pool kasi nahihiya ako na makita nila kasi iyak ako nang iyak.
“I got nervous, kasi po siguro sa tagal ko na rin po sa Ang Probinsyano and kilalang-kilala ko na po yung karakter ni Alyana and kaya ko na siya halos gawin nang nakapikit. Ito kasi kikilalanin ko pa lang si Cream.”
Malaking bagay din daw na si JC ang katrabaho niya sa More Than Blue lalo na sa mabibigat na eksena dahil kumportable siya sa aktor na nakasama niya noon sa Ang Probinsyano.
“It’s good na si JC ang kaeksena ko. This is our first film together but we’ve worked na in Probinsyano kaya comfortable na kami with each other,” saad pa niya.