Yate ni Willie Revillame, bakit ‘di ginamit sa baha? – Tita Swarding

OLACHIKKA. TILA HUMINTO ang mundo nang humagupit ang bagyong Ondoy. Hindi magkamayaw ang mga tao kung saan sila  pupunta. Sinalanta ang mismong sentro ng bansa, ang Metro Manila kung saan umabot ng ilang ibong katao ang nasa mga evacuation center at doon muna pansamantalang tumira at ‘yung iba ay nawalan pa ng mahal sa buhay at ‘yung iba naman ay hangang ngayon ay hindi pa nakikita.

Sa aking programa sa DZRH, nagbigay po ako ng daan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Hindi ko pina-priority ang mga showbiz balita, ang importante ay ang makatulong at maging daan sa ating mga kababayan dahil isa ‘yan sa aking sinumpaan bilang isang broadcaster. Kailangan nila sa mga ganitong panahon ang tulong. Nanaig ang bayanihan sa bawat isa. Tila kinalimutan kung ano man ang mga hidwaan dahil sa panahon na ‘yun mas matindi ang kailangan ng bawat isa. Walang sinino si Ondoy, mayaman, mahirap, artista o pulitiko at kung ano man ang estado sa buhay ay lahat sinalanta.

Kinalimutan ang lahat pati ang mga network wars pataasan ng rating ay tila isinangtabi. Walang kapuso walang kapamilya,ang importante ay ang tumulong sa kapwa natin sinalanta.

[ad#post-ad-box]

Tila isang siyudad sa gitna ng karagatan kung titingnan natin ang buong Manila lalo na ang karatig bayan nitong Marikina, Rizal, Antipolo at Quezon City kung saan tila doon ibinuhos ng bagyo ang kanyang hinanakit. Parang mga laruan ang mga sasakyan na iniwan ng mga may-ari upang iligtas ang kanilang buhay sa hagupit ni Ondoy.

Milyun-milyon ang iniwang pinsala nito. Malaki na lang ang ating pasasalamat at nandiyan ang ating mga kababayan na handang tumulong at bukas-palad itong dumamamay. Hindi na kailangang isa-isahin ang mga artista na sumaklolo at tumulong sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.

NASUNDAN NG AKING Parazzi Girl hanggang Davao ang ganda ni Dawn Zulueta Lagdameo kung saan ang asawa nito ay isang pulitiko sa Davao del norte. Nasundan ng aking Parazzi Girl si Dawn na nagparehistro sa Panabo City Comelec upang doon bomoto sa darating na halalan. Matagal na taon na hindi pala na-transfer ni Dawn ang kanyang rehistro sa Comelec at ngayon lang ito nagkaroon ng time upang ilipat ang kanyang boto. Noong Biyernes, gamit ni Dawn ang tunay na pangalan na Mary Rachel Zulueta Lagdameo sa Comelec kasama ang asawa nito at anak sa tanggapan ng Panabo City Comelec office.

Itong Parazzi Girl ko, nakakaloka, pati ba naman sa kasuluk- sulukan ng Pilipinas ay sinusundan ang celebrities. Ha-Ha-Ha-. ‘Yun na!

MARAMI ANG NAGULAT sa pagkadisgrasya ng hunk actor na si Sam Milby kahapon ng alas 4 ng hapon. Habang binabaybay ng actor ang kahabaan ng Kalayaan ay bigla na lang sinalpok ang sasakyan nito ng isang van. Buti na lang at wala namang anong galos na natamo ang actor at ‘di rin ito duguan.

Ang nakakaloka ay ngayon lang daw ininda ng actor ang sakit ng ulo, hindi raw nito namalayan kung nabagok ba siya o hindi. Siguro, dala ito ng matinding tensyon at biglaang pagsalpok ng kanyang sasakyan. Ang maganda niyan, magpatingin siya sa doctor, ‘di ba? Ha-Ha-Ha! Nakakalerke ha!

MARAMI ANG NAGTATANONG pati na ang aking Parazzi Girl na ang aga-aga ay nagte-text na sa akin. Sa kasagsagan ng matinding hagupit ni Ondoy, maraming mga artista ang sinalanta at marami ring mga artista ang tumulong sa kapwa at hindi na natin isa isahin dahil alam na ng lahat ito. Ang aking Parazzi Girl ay nagtatanong. Sa sobrang lalim ng tubig lalo na sa Marikina at kung saan-saan pa dahil sa sobrang baha, marami ang nangangailanan ng tulong o bangka na masasakyan nila.

Ewan ko ba kung bakit naisingit ang pangalan ni Wilie Revillame. Kung umasta raw si Willie ay sobrang yabang kahit  saan mo ito tingnan,huh! Itong aking Parazzi Girl ay nagtatanong lang kung bakit hindi ginamit ng mayabang na TV host ang kanyang yate sa gitna ng kalamidad at marami ang nangangailangan ng tulong. Buti pa raw ang ilang artista na may speed boat kahit papano ay napakinabangan at nakatulong. Ay, naku, naloka akong bigla! Oo nga naman. Pero no comment ako diyan, huh! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKC Concepcion, todo-tulong sa mga biktima ni Ondoy!
Next articleMaja Salvador, handa nang magpaseksi – Boy Abunda

No posts to display