YAYAMANIN AT KUMITA ANG PELIKULA: Piolo Pascual, nag-donate ng 1 Million para sa Marawi

Robin Padilla, Bb. Joyce Bernal and Piolo Pascual for Marawi

BONGGA SI PIOLO PASCUAL. May paandar na 1 million pesos para sa rehabilitation ng Marawi na sirang-sira sa dahil sa giyera na nangyari laban sa mga Maute group.    

 
Sa Instagram account ni Robin Padilla, masaya ang action star na isang converted at practicing Muslim na ibinalita niya ang donasyon ni Papa P para sa mga taga-Marawi.
 
Sa katunayan, ipinakita pa ni Binoe ang pagpirma ng aktor sa kanyang cheque book at ang tseke mismo na may halagang 1 million as donation.
 
Bb. Joyce Bernal
 
Kasama ng aktor sa pagdo-donate ay ang kaibigan niyang direktor na si Bb. Joyce Bernal na nagbigay naman ng kalahating (P 500,000) million.
 

Sa IG account ni Robin ay sinulat niya na: “Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya. Hindi ko masabi na religious acting ipinakita nila sa akin ngayong gabi ng ika-23 ng Oktubre2017 (last night). Sapagkat maraming religious na tao pero walang act na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer y hindi inisip ng dalawang ito ang na mag-goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahy sa marawi,

Piolo Pascual

“1 million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini.

“Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tinding Marawi sa bawat puso Pilipino. Mabuhay kayo aking mga kaibigan!  Mabuhay ang inyong ispiritu…”

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleIvan Padilla, hindi susukuan ang kanyang ‘Hollywood dream’
Next articleTHE TERROR DIRECTOR: Joel Lamangan, first time hindi nagalit at nagmura sa set ng kanyang pelikula

No posts to display