NAGING matagumpay ang isinagawang year-end countdown ng NET25 na ginanap sa Philippine Arena.
Taong 2020 ang huling may isinagawang countdown sa Philippine Arena. Noong nakaraang taon dahil sa ipinatutupad na restrictions ay wala munang isinagawang ganitong presentasyon.
Bukod sa hatid na saya ng mga live performances ay may mga mapipiling winners din sa ‘Selfie with the Agila’ promo.
Habang nanonood kasi ang netizens ng naturang programa ay maaaring mapanalunan ang isang brand new car, iphone 13 at Samsung S21 phone. Bukod diyan may cash prizes din. Limang winners ng P100,000, dalawang winners ng P50,000, limang winners ng P25,000, 25 winners ng P10,000, at 25 winners naman ng P5,000.
Ang mga nanalo sa ‘Selfie with the Agila’ promo ay iaanunsyo sa mga programang ‘kada umaga’ at ‘Ano Sa Palagay nyo (ASPN)’ nina Ali Sotto at Pat-P Daza.
Unang nag-perform on stage si Callalily frontman Kean Cipriano kasama ang kanyang banda, sinundan ito ng ‘Magandang Dilag’ hitmaker na si JM Bales, ang actor-singer na si Ruru Madrid, ang rapper na si Rapido, ang acoustic singer na si Princess Velasco at ang south border lead vocalist na si Jay Durias.
Nagkaroon din sila ng duet ng ‘With a Smile’ ni Maureen Schrijvers. Nagpakitang gilas naman sa dance floor sa saliw ng mga sikat na tiktok dance craze sina Athena Madrid, Jon Lucas at Ms. Emma Tiglao.
Present din sa Philippine Arena ang cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epi Quizon, Vandolph Quizon, kasama si Jenny Quizon.
Ang naturang pagsalubong sa bagong taon ay pinangunahan ng ‘kada umaga’ morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Maureen Schrijvers, Tonipet Gaba at Wej Cudiamat kasama din si Alex Calleja.
Tumagal ng mahigit trenta minutos ang fireworks display… Isa din sa highlight ng naturang pailaw ay ang lumilipad na ‘Agila’.
Isinara naman ng performances ng bandang Mayonnaise ang ginanap na masayang year-end countdown.