Sa totoo lang, isa sa mga aktibong producer ng pelikula ngayon ay ang Regal Films. Sa katunayan, sabay-sabay ang pagsi-shoot nila ng pelikula ngayon. Halos pitong pelikula ang ginagawa nila at ang ilan ay halos tapos na at post-production na lang.
Last Tuesday afternoon, may bagong Regal Babies na pinapirma si Mother Lily Monteverde at ang anak niyang si Roselle Monteverde sa kataunan nina Yen Santos at Devon Seron na dagdag sa kuwardra nila. Mga taga-Star Magic ang dalawa.
Kung maalala pa, si Richard Yap, Regal baby na rin ni Mother, ay tinatapos ang pelikulang “Mano Po 7” na kapag sinuwerte ay makasasama sa Metro Manila Film Festival sa December 2016.
Si Yen naman, siya ang bagong leading lady ni Piolo Pascual sa “Once In A Lifetime” na sa New Zealand pa nag-shooting, at si Devon na dating PBB Teens ay additional Regal Baby na rin. Sabay silang pinapirma ng Regal Films ng non-exclusive contract.
Inisa-isa ni Ms. Roselle ang mga proyekto nila na ginagawa at the moment, at ang ilan ay nakatakda nang ipalabas.
After ng matagumpay na beki rom-com na “That Thing Called Tanga Na”, next in line ay ang bagong tambalang rom-com naman sa wide screen nina Alex Gonzaga at Joseph Marco via “Rebound Girl” na nagsisimula nang magparamdam sa mga promotion ng pelikula online na malapit nang ipalabas.
Ang sexy film (tungkol sa mga paupahang mga babae) na bida si Lovi Poe with Derek Ramsay at Christopher de Leon, ang “Mano Po 7” na tuluy-tuloy ang shooting para makahabol sa deadline by October ng MMFF 2016, ang pelikula na “Never Been Kiss” nina Miho Nishida at Tommy Esguerra, ang kay Billy Crawford na solo ang komedyante-host, ang pelikulang sexy ni Derek Monasterio na hinahanapan pa ng leading lady, na sabi nga ng press noong contract singing ng binata ay pwede niyang i-revive ang pelikulang “Scorpio Nights” ni Daniel Fernando with Anamarie Gutierrez sa direksyon ni Peque Gallaga noong 80’s, at siyempre not to forget ang pelikula ni Ai Ai de las Alas.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung kumpleto ang ramdom list namin sa mga pelikula nina Mother at ni Ms. Roselle.
Basta ang importante, dahil sa pagiging aktibo ng Regal Films ngayon, maraming taga-industriya ang nabibigyan nila ng trabaho. Mabuhay kayo, Mother and Roselle!
Reyted K
By RK VillaCorta