EXCITED DAW si Yeng Constantino bilang bagong co-host nina Luis Manzano at Robi Domingo para sa The Voice Kids. Wala pang date kung kailan magsisimula ang airing nito, pero nakapag-taping na ng dalawang episodes ang Kapamilya singer.
“Sobrang saya po na maka-experience ng panibagong… ibang klaseng trabaho bukod sa pagkanta,” aniya.
“Dahil sanay po ako sa singing, ganyan. Mga corporate shows at concerts and songwriting. Pero ngayon, iba naman.”
Siya ang pumalit kay Alex Gonzaga. Is it tough for her?
“Actually po, iyon nga ang pinag-uusapan namin ng manager ko. No’ng sinabi nila ‘yong trabaho sa akin, sabi ko sa kanya… kaya ko ba ‘to? And then he said… ‘you know, I trust you and you can do this.’ May gano’ng klaseng pressure. And… kailangan ko lang po talagang yakapin ‘yong moment.”
Pero sa isang banda ay may baon din naman siya sa pagiging isa sa hosts ng The Voice Kids dahil at one point ay naging contestant din siya dati ng talent search na Pinoy Dream Academy. Tapos isa nga siyang singer at composer din.
Kumusta ang mga contestants ng The Voice Kids?
“Ibang klase na ang mga bata ngayon. Sumasali rin po ako sa mga singing contests before. Iba na ‘yong line up ng mga kanta nila. Ibang klaseng genre. Iba na ‘yong mga timbre ng boses. Parang medyo nga kapag may mga nag-a-audition napapaisipi ako na… ang hirap na seven years old, gano’n? My God! Sobrang mind-blowing.”
Sobrang busy siya sa kanyang career ngayon. How does she find time for her husband Yan Asuncion?
“Inaano po ‘yan… ipinaglalaban!” sabay ngiti ni Yeng.
Is she and Yan starting to think about building a family and having kids?
“Mga two years pa po. Two years pa. Siguro, uunahin ko po muna ang mga The Voice Kids. Ayoko po munang masabay. At saka ang dami rin po talagang bumubuhos na blessings right now. And gusto ko po munang ito ang pagtuunan ng pansin,” sabi pa ni Yeng.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan