USONG-USO ngayon ang Work From Home o WFH set up. Maliban sa mga office workers, students at freelancers, kahit ang mga artista ay kailangan na rin mag-adapt sa ‘new normal’ ng pagtatrabaho o pag-entertain ng kani-kanilang fans.
Isa si Yeng Constantino sa mga Pinoy celebrities na aktibo sa YouTube. Pagkatapos magpahinga ng halos isang taon sa daily vlogs ay nagbalik ito sa paggawa ng online content habang naka-quarantine. In fairness, marami-rami na rin siyang videos na nagagawa kaya naman satisfied ang kanyang Yengsters. Lately nga ay kahit ang pag-stream ng games at pagli-live sa Kumu app ay pinasok na rin niya.
With that being said, kailangan na talaga ni Yeng at ng asawang si Yan ng isang home office and studio kung saan puwede sila magrecord ng videos at magtrabaho. This is a necessity nowadays lalo na’t napakarami nilang equipments. Kailangan nila ng working space sa bahay para may distinction ang work and leisure.
Kung kayo ay struggling sa pag-set up ng inyong home office, no need to fret dahil makakahanap na kayo ng inspirasyon sa bagong Home Office and Studio Set Up ni Yeng! Manood na kayo ay malay niyo, baka makakuha kayo ng ideya para mas mapabongga ang inyong work from home life. It doesn’t have to be boring!