O.A. AS in over acting ang ginawang eksena ng sinasabing “Pastor” sa church na kinabibilangan ni Yeng Constantino.
Habang ang lahat ay naghanda para maging pustura at nagbihis nang magara; heto ang sinasabing BF niya na sinasabing katampuhan niya (for almost two weeks na) ay gumawa ng eksena noong Sabado sa Fairmont Hotel.
Talbog ang mga tunay na stars noong gabing ‘yun. Ang mga eksena nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao na hindi sabay dumating sa Star Magic Ball o sina Sam Milby at Jessy Mendiola na hindi magkasabay sa red carpet ay agaw-eksena naman ang BF ng rocker na hindi man lang nagbihis.
Eksenang ewan na tunay nga namang umagaw ng atensyon ang drama ng sinasabing boyfriend ni Yeng Constantino noong gabing ‘yun.
Balita naman, eksenang scripted daw ang nangyari. Sa isang non-showbiz at mahiyaing binata na biglang gagawa ng showbiz na showbiz na eksena, he really stole the scene sa special event na ‘yun.
Pero sabi naman ng marami na after the event, ano pa nga ba naman ang ini-expect ng showbiz gayong noon pa man ay pinagdududahan na ang sekswalidad nitong si Yeng, pagbigyan na nga lang at sakyan ang trip ng BF niya. I’m sure na-enjoy naman ni Yeng ang ganu’ng mga kaeklatan.
LAST WEEK, ngarag si Sylvia Sanchez sa taping nila ng Be Careful with My Heart, kung saan three days straight “hostage” siya kasama ang ilang mga cast ng kilig morning show nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa Bay, Laguna, kung saan ang eksena na kinukunan ay napaka-importante sa serye.
Minamadali kasi ng morning teleserye na kunan ang mga malalaking eksena dahil magsisimula na rin ang shooting ng movie version na kabilang sa darating na MMFF na balita namin ay magsi-shooting abroad para maging mas magandang sahog sa hit morning show.
“Walang uwian. Ayaw kaming pauwiin ng director,” kuwento ni Ibyang (Sylvia’s nickname).
Sa teleserye, ikakasal ang dalawang bida na ayon sa istoryang pampelikula ay parehong-pareho kung ano ang napapanood sa telebisyon, pero may dagdag na big scenes na sa movie version lang mapapanood.
NATAPOS NA rin ang eights days shooting nina Robin Padilla at Bb. Joyce Bernal sa Amsterdam na walang aberya.
“Smoot at walang naging problema ang location shoot namin dito,” e-mail sa amin ng creative consultant ng 10,000 Hours na si Peter Serrano na naunang dumating (mga four days) sa location with Direk Joyce.
Maayos ang mga eksenang kinunan at satisfied naman ang bida na si Binoe.
Hindi nilinaw sa amin ni Peter kung sa pagbabalik nila come September 16 (sabay-sabay silang uuwi ng Manila) ay may mga eksena pa silang kukunan.
As of this writing, naka-schedule magbakasyon si Direk Joyce sa Berlin at si Robin naman ay sa Turkey.
I just don’t know kung makakasama ni Binoe ang misis na si Mariel Rodriguez sa bakasyon niya sa Turkey.
“Wala siya rito sa Amsterdam. O baka magkikita sila sa Turkey. Lahat na nagbakasyon, babalik dito para sabay-sabay kaming lilipad pabalik ng Manila,” kuwento ni Peter sa amin sa FB.
PINANOOD NAMIN ang first episode ng first teleserye ng respetadong director na si Laurice Guillen na Akin Pa Rin Ang Bukas sa GMA 7 noong Lunes. Trabaho ba ‘yun ng isang Laurice Guillen? Tanong ng isang kritiko sa amin.
Nakakahiya. Panis. Walang bago. Nagsimula ang kuwento ng isang katulong na binuntis ng kanyang amo na ayaw akuin ang responsibilidad. The rest as expected ay magsasanga-sanga na ang bata na bastarda ay role na gagampanan ni Lovi Poe ‘pag nagdalaga.
At ang isang nakakaloka pa, ang amo na iresponsable na ginagampanan ni Gary Estrada ay kapangalan ko pa (as in Roel Villacorta). Same name, as in same spelling. At higit sa lahat, tarantadong iresponsableng bidang lalaki na ginamit ang pangalan ko na para sa akin, nakasisira sa reputasyon ko at imahe sa personal kong negosyo na isang travel agency.
Reyted K
By RK VillaCorta