NAPAKARAMI nang Pinoy celebrities these days na pinapasok na ang paggawa ng video blogs o vlogging. Ang iba sa kanila ay consistent sa pagu-upload while some do it only when it is convenient for them.
Ang isa sa consistent na naglalagay ng quality content ay ang super busy pero rock pa rin na Pop Rock Princess ng Pinas na si Yeng Constantino. Nakakatuwang panoorin ang kanyang vlogs dahil hindi lang ito puro self-promotion o product placements (sorry sa mga matatamaan!). In most of her videos, she shares some personal insights tungkol sa bagay-bagay at ang isa sa mga latest uploads niya ay ang ‘Reality of Showbiz’.
Dito ay inexplain ni Yeng ang mga expectations niya bago siya pumasok at kalauna’y manalo sa Pinoy Dream Academy. Overwhelmed ang pride ng Rizal dahil halos hindi na ito nakakatulog sa sunod-sunod na gigs niya. Matatandaan na very successful ang batch nila ng PDA at nag-set ito ng trend for upcoming reality-based singing talent search.
Ngayon, masasabi natin na Yeng is in the stage of her career where she can choose her projects. Kahit na isang dekada na siya sa showbiz, hindi pa rin ito nalalaos dahil lagi itong nagbibigay ng something new sa kanyang existing and upcoming fans. Isa nga sa talagang kinaaaliwan ng kanyang tagasubaybay ay ang kanyang almost daily vlogs na kapupulutan mo ng aral.
Another new project from Yeng is the upcoming CineFilipino entry na “The Eternity Between Seconds”. Ito na ang kanyang ikalawang pelikula (ipinalabas sa Cinema One Originals ang ‘Shift’ five years ago) at ibang-iba raw ito sa una niyang acting project.
Sa bagong pelikula, she is paired for the first time with TJ Trinidad at sa trailer pa lang ay intriguing na ang tema nito. Yeng plays the role of Sam, isang KoPino (Korean-Pinoy) na makikilala ang kanyang Korean father for the first time. Karamihan ng eksena sa pelikula ay kinunan sa South Korea during winter. Naging challenging para sa staff, cast and crew ng pelikula ang kanilang limited time ng pagshu-shoot sa Korea, pero natuwid naman nila ito.
Mapapanood ang “The Eternity Between Seconds” na isinulat at idinirek ni Alec Figuracion simula sa May 9 to 15 sa mga sumusunod na sinehan: Gateway, Greenbelt 1, SM North EDSA, SM Fairview, SM Megamall, SM Manila, SM MOA, SM Southmall, Cinema Centenario at Black Maria. Suportahan natin lahat ng pelikulang kalahok sa CineFilipino 2018!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club