KASALI ang pelikulang Write About Love ng TBA Studios sa 2019 Metro Manila Film Festival na ipapalabas simula December 25. Isa sa bida ng pelikula ay ang singer na si Yeng Constantino.
Ayon kay Yeng, nakatulong ang pagiging singer niya para maging epektibong aktres sa ginawang pelikula.
“Siguro nakakatulong din yung pagiging singer namin. Kasi po pag kumakanta kami nilalagay din po namin yung sarili namin sa kanta, so in a way it’s also acting,” paliwanag niya.
Naniniwala ba siya kapag magaling na singer ay posible ring maging magaling na aktor?
Tugon niya, “Yes po. Example po niyan si Ms. Regine Velasquez, Ms. Nora Aunor, napakagaling. Napakahusay. Parang sinasabi lang nila yung mga lines. Feeling ko nga yung mga co-singers ko sa ASAP kaya di nilang umarte, kaya nila ito.”
After Write About Love ay gusto ni Yeng na ituluy-tuloy na ang paggawa ng pelikula.
“Sana po. Sana po after this film ay makitaan po ako ng potensyal ng ibang production houses. Mag-o-audtion po ako ulit kasi nag-audition po ako para sa aking karakter dito, eh. Hindi po ako titigil kasi I found it talaga na parang naging passion ko na rin ito,” lahad pa niya.
Kasama ni Yeng sa Write About Love sina Joem Bascon, Rocco Nacino at Miles Ocampo. The film is under the direction of Crisanto Aquino.