FIRST TIME IN the history of RRJ latest ad compaign, Vhong Navarro and Yeng Constantino will lend their star power as the new faces of popular clothing and lifestyle brand. Aside sa pagiging top comedian, Vhong is also a talented dancer. Yeng is a singer-composer and regularly seen in Music Update Live. Swak sa kanila ang slogan na “He Moves, She Rocks.”
“Maraming maganda’t guwapo na puwedeng pagpilian. Nakatataba ng puso dahil ang napili nila, base sa talent. Isa rin ito sa pangarap ko na magkaroon ng billboard. Damit ang aming ibinibenta, mahilig ako sa damit, sa damit lang kasi ako puwedeng pansinin, hindi sa hitsura,” pabirong sabi ni Vhong.
“Saludo ako sa ‘yo, Kuya Vhong, sobrang galing mo, para kang all in one person, sobrang masayang kasama. Para kaming brother ang sister talaga na super warm sa isa’t isa kahit sa back stage,” dugtong naman ni Yeng.
Since RRJ ang first endorsement nina Yeng at Vhong this year, sino kaya ang idol nila pagdating sa fashion statement ? “Yung nasa Gossip Girl, nakikita ko siya ‘yung buhok niya gulo-gulo lang lumalabas siya ng bahay. Kinukuha ko ‘yung paparazzi photos niya inilalagay ko sa aking laptop. ‘Yung ibang porma niya talagang sobrang rock and roll,” excited na wika ng singer-writer.
“Ang gusto ko namang porma na ginagaya ko, sina James Dean at Luke Perry. Gusto ko silang manamit kahit ano ang ipasuot mo bagay sa kanila,” simpleng sagot ng komedyante.
As signature model, how will it help you being a performer? “Sa akin, nakadagdag ng confident na alam mo ‘yung boss mo nagtitiwala sa ‘yo. Masarap kasi ‘yung feeling na ‘yung ginagawa mo na-appreciate nila. As a person at ‘yung believe mo, naniniwala rin sila. Actually, ang hirap pumasok dahil ‘di ba kinahihiligan ng mga Pinoy ‘yung mga ballad and all, ganito, ganyan. Ako ‘yung first solo artist na medyo nag-go-go against the flow so ‘yung ganu’n hindi ko alam kung tama ba, pero ito ‘yung passion ko. Go lang Yeng, will support you, nakadagragdag ng confident.”
“Natutuwa ako kay Yeng, isang song writer, isang magaling na singer at magaling sumayaw and at the same time napakabait. Kumbaga, wala ka nang hihilingin pa. Marami sa atin na mga baguhan, nagkapangalan, nakalimot, pero hindi si Yeng. Marunong siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan, totoo ‘yan,” pagmamalking bida ni Vhong.
Tipo ba ni Vhong ‘yung babaeng magandang mag-jeans ? “Ako po kahit ano ang suot basta natipuhan ko iibig ako. Siyempre ‘yun ang babaeng mamahalin ko at gugustuhin ko.”
Type na lalaking gugustuhin at mamahalin ni Yeng? “Gusto ko sa lalaki ‘yung susuportahan ang music ko kasi mahirap po ‘yung hindi niya gusto ‘yung ginagawa ko. At saka, easy to get along with, madaling pakisamahan ‘yung matagal na kayong magkakilala.”
Boyfriend? “Wala pa po pero okey na akong magpaligaw ngayon, okey na si Papa.”
Ngayon puwede nang ligawan si Yeng, ano ‘yung mga pagbabago sa buhay niya? “Noong kalalabas ko lang ng PDA (Pinoy Dream Academy), naka-lock siya dahil si Papa ayaw talaga niyang magka-boyfriend ako noon. So, nakikinig ako sa kanya pero on the side, may pa-text-text kung kani-kanino. Tama talaga ang Tatay ko noon, 21 na ako puwede na akong magpaligaw. Kung sinuman ‘yung gustong mangligaw d’yan, nanawagan daw ako! Ha! Ha! Ha! Ready na ako to get to know each other, ganyan. Gusto ko ‘yung funny na kaya kang patawanin. Kahit ano po, kung sino man ‘yung dumating na magugustuhan ko.”
Sa pagiging astig ni Yeng sa kumilos at gumalaw pinagdududahan tuloy ang kanyang pagkababae. Hindi kaya naba-bother ang dalaga kapag napagkakamalan siyang tomboy? “Hindi po talaga ako tomboy, boyish, magkaiba sa tomboy. Bata pa lang ako nasanay na akong barkada ko pulos lalaki at saka wala ring lalaki sa bahay. ‘Yung brother ko, gay siya so ‘yung Papa ko lang ang madalas kong kausap sa bahay. Nagkakagusto rin naman ako sa lalaki… Hindi ako naba-bad trip kapag sinasabi nilang tomboy ako.
“Alam ko naman sa loob ‘yung truth na hindi naman ako ganoon. Ako, I just want to be myself, ayaw kong lagyan ng wall. Maganda rin ‘yung nakikinig ka sa mga tao, ‘yung magaganda, stay mo sa heart mo, ‘yung nagpapa-down sa ‘yo, I-throw mo na lang out. Pero ‘yung magagandang sinasabi sa ‘yo ng tao, mga friends, idi-deposit ko talaga inside me. Sobra talagang nakatutulong, bina-balance ko lang, kino-consider ko ‘yung nararamdaman nila. Favorite color ko nga pink, totoo ‘yun like ‘yung case ng iPod ko, ‘yung pillow ko, bed sheet, colored pink . ‘Pag nasa bahay ako, pulos stuffed toy, pero sa music kasi since lumaki ako sa tatay ko, rock and roll. Ganito na ako lumaki, so hindi ko na kayang baliin pa dahil kailangan lang.”
‘Yung issue tungkol sa inyo ni Totie, (kasamahan ni Yeng sa Music Update Live), may something ba sa inyong dalawa? “Wala naman pong mga ganu’n, ‘yung nakikita ninyong closeness sa amin ni Totie dahil sobrang barkada kami sa show. Nagtutuksuhan kami ni Totie, kasi mahilig ‘yun sa mga ano… hindi naman babaero mahilig lang siyang magpuna ng mga babae. So, mahilig akong tuksu-tuksuhin siya, tapos ngayon ang ginagawa niya, para pang-asar sa akin, tinutukso niya ako sa kanya. Masaya lang talaga ‘yung show, as much as possible ayaw naming haluhan ng ibang kulay kung anuman ‘yung mga relasyon namin. Baka magkaroon ng wall sa isa’t isa,” paliwanag ni Yeng.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield