ASIDE SA pagiging singer/ songwriter ni Yeng Constantitino. Busy rin silang mag-asawa sa kanilang bagong bukas na Ostrich restaurant. Kakaiba ang kanilang ostrich burger, marami kang choices of foods na mapagpipilian. Business partner nila ang family ni Yan Asuncion (husband ni Yeng) na may ostrich farm sa South Cotobato.
Para sa mag-asawang Yeng at Yan, malaki ang paniniwala nilang magtatagumpay sila sa negosyong kanilang pinasok. Pareho kasi silang adventurous, challenge ito para sa kanila. For now, rito muna sila magko-concentrate hanggang maging successful ito.
Pangarap ni Yeng na magkaroon pa ng maraming negosyo in the near future. Feeling ng singer-composer, ang Ostrich resto ang starting point nila sa business na kanilang binuksan. Kailangan daw kaririin nila ito, gather more knowledge and wisdom about the food business.
Gusto rin ni Yeng na matutunan ang pagkukulay ng buhok, fashion, at nail polish in different colors and design. Hindi pa lang niya alam kung papaano ito sisimulan. Kailangan daw niya ng koneksyon, experience para mapag-aralan ang mga bagay na ito. Mahirap daw pasukin ang isang negosyo na wala kang alam kung papaano ito patakbuhin. Kailangang alam mo ang business na pinapasok mo para maging successful ito.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield