YENG CONSTANTINO, YOUTH Ambassador for Philippine National Red Cross same with Toni Gonzaga and Erik Santos. Sa 150th Anniversary ng PNRC, masuwerteng napili ang Pinoy Dream Academy Season 1 Grand Star Dreamer para kumanta ng theme song na Bagong Umaga. Super-excited ang mga ito sa napaka-special na event na gaganapin sa Mall of Asia on June 24, 2009.
“Before the recording, binigyan kami ng study CD, two weeks before bago kami mag-recording, para mapag-aralan ang theme song na kakantahin namin. Exclusive lang po ito for Red Cross, composition ni Jonathan Manalo. Very meaningful po ang lyrics ng song, pagtutulungan, pagkakaisa at pag-abot ng mga pangarap. Alam naman po ninyong nag-start din akong mangarap at na-achieve ko ‘yung dreams ko, saktong-sakto sa lyrics ng song,”pagmamalaking sambit ni Yeng.
“Ang album para sa 150th anniversary ng Red Cross ay mapupunta sa PNRC. Ibabalik din nila para sa pangangailangan ng mga kapwa natin Pinoy. Worldwide po itong celebration, maraming tao ang magpa-participate sa biggest event of the year. Lahat magse-celebrate sabay-sabay galing sa iba’t ibang bansa – international.”
Lucky for Yeng na mapasama kina Toni and Erik para kumanta ng theme song. “Blessing siguro talaga, I’m very passionate about my craft. Nag-start din naman akong mangarap, ‘yun ang content ng lyrics ng song. Alam nilang makaka-relate ako, Red Cross volunteer din ako nag-start, year 2007-2009. For charity itong ginagawa ko, ang sarap ng feeling na nakakatulong ka sa kapwa mo nang walang kapalit. Ito talaga ang gusto naming gawin nina Kuya Erik at Toni. Gusto naming suportahan kung ano ‘yung sigaw ng Red Cross. Maraming volunteer stars ang magpa-participate dito kahit sa ibang network puwedeng makiisa. Maging si Rosa Rosal na haligi ng Red Cross kasama namin for this event. Siya po ang gusto naming sundan kaya ginagawa naming maging volunteer stars,” paliwanag niya.
Nangangarap din si Yeng na balang-araw magtayo ng sarili niyang Foundation para makatulong sa kapwa niya Pilipino. “Diyos ko! Kapag marami na po akong pera gagawin ko po ‘yun. Sa ngayon po, taga-suporta muna ako, gusto kong tumulong lalong-lalo na sa mga kababayang tulad ko. Sana nga po marami kaming artist ang mag-participate, sana’y mabigyang-pansin kahit lubog tayo sa kahirapan. May gamot pa rin at may pag-asang naghihintay sa atin. Hindi lang ito sigaw sa kalamidad, hindi lang sa panahon ng kahirapan sa pulitika. Ang dami, kailangang magkaisa tayo,” pakiusap ni Yeng.
Abala rin si Yeng sa kanyang 3rd album under Star Records bukod pa sa mga shows niya abroad. “Ten songs, tapos na, ‘yung dalawang vocals na lang sa 3rd album ko. Hindi siya seryoso, sobrang enjoy lang, mapapangiti ka, mapapatawa ka. Iba ‘yung timpla, may ballad songs, may inspirational songs pero mas maraming fun. Siyempre, si Raymond Marasigan ang magpru-produce so, sobrang fun dahil may dugong Eraserheads. Siya talaga ang gumawa ng arrangement ng lahat. So, noong ginawa namin ‘yung recording, sobrang excited siyang i-record. Mas lalo akong na-excite dahil alam kong marami na siyang idea noong ginagawa namin ‘yung album. Sumusulpot na ‘yung ideas na talagang nililipad na ako ng hangin. Parang dadalhin ko kayo sa mundo ko, ito ang mundo ko,” matalinhagang pahayag ni Yeng Constantino kahit zero ang lovelife.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield