KALURKEY LANG talaga ang ibang mga fans. Ang gusto nila, personal na pag-ibig ng idol nila ay gusto nila diktahan.
Nakakatawa dahil illogical ang pagiisip ng ilan na ang gusto, Maine Mendoza is only for Alden Richards. Kaloka lang dahil naka-one-year na mahigit ang relasyon nina Maine at Arjo Atayde, hindi pa rin nakaka-move-on ang mga “hitards”.
Bilib ako sa dalaga dahil may ‘yagbols’ si Maine kahit girl siya. May sariling pagiisip at paniniwala na sinupalpal ang mga fans na nagpapaandar sa kanilang hastag: #NoToArjoTheUser na hindi niya sinangayunan.
Keber naman kung ayaw ng mga fans gayong puso at buhay naman ng dalaga at may sariling bait para magustuhan at mahalin niya si Arjo na walang nagdidikta.
I just wonder kung bakit pinapalabas ng mga fans na “user” si Arjo gayong wala ako nakikitang dahilan para gamitin ng binata si Maine.
First and foremost, Arjo Atayde is Arjo Atayde. Hindi naman siya nagka-karir dahil sa love team nila ni Maine or sa pagka-involved ng pangalan niya sa dalaga. Aktor ang binata. Hindi niya kailangan magpaka-boy next door lang ang imahe dahil tunay na artista siya.
Kung iniisip ng mga hitards na nagagamit ni Arjo si Maine, para saan? May sariling career ang binata. May sariling diskarte with or without Maine kung ito man ang iniisip ng mga panatiko.
Kung minsan, maloloka ka talaga sa line of thinking ng mga “nganga” na mga fans dahil hindi mo mahanap ang saysay sa mga kuda nila.
Sa kanyang Twitter account, diretsahang nag-post si Maine to her millions of fans and followers to defend her boyfriend.
Yes! Maine supports Arjo with her tweet: “Wow, some ‘fans’ made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo.”
Palpak! Supalpal kayo ng idol nyo. Hindi ninyo matitibag ang pagmamahalan nina ArMaine sa isa’t isa.