IT GIRLS ang tawag sa grupo nina Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Liz Uy at Isabelle Daza. Nagkaroon pa nga sila ng reality show sa isang channel at marami ang nagsasabi na nagpapaka-Kardashian girls ang mga ito.
In fairness naman sa mga Kardashian and Jenner girls (Kim, Khloe, Kourtney, Kendall and Kylie), kahit sabihin mo na lagi silang nagpapasexy at controversial ang mga lovelifes nila, marespeto pa rin sila sa mga traditions at pagdating sa negosyo ay may sey naman talaga sila. Kapag nage-endorse sila ng products, napapabili both ang fans and haters dahil sila ay mga natural ‘influencers’.
Si Solenn Heussaff ang isa sa mga artista sa Pilipinas na pwede sa ‘class’ at ‘masa’ crowd. Among the IT Girls, siya ang may pinaka-maraming endorsements targeting both markets. Lagi rin sinasabi ng mga fans and media people na si Solenn ang isa sa pinaka-kalog, thankful at down-to-earth na celebrity endorsers sa bansa kaya naman very in-demand ito.
Si Isabelle Daza naman ay nagkaroon ng chance to reach the masa crowd when she became one of the hosts of Eat Bulaga. Unfortunately, she was involved in a series of social media fails (kissing photo with her cousin/bff Georgina, the infamous ‘Siquijor’ insensitive post among others) at ang latest nga ay ang IG update nito where apparently, she was ‘mocking’ the Vietnamese way of handing out calling cards. Nabura na ang nasabing IG story, pero meron mga dismayadong followers na nakapag-screencap nito.
Ilan sa mga kilalang social media influencers/bloggers like Camie Juan and Tricia Gosingtan ang walang takot na tinawag ang pansin ni Isabelle Daza by saying na mali ang ginawa niya at bilang isang endorser ng maraming products, dapat ay maging extra careful ito at iwasan ang pagiging ‘insensitive’.
May mga nagsasabi pa nga na ang mga IT Girls daw ay nananadya dahil gusto lang gumawa ng ingay at magpapansin sa pamamagitan ng kanilang mga social media ‘fails’.
Naku, huwag niyo idamay sina Liz Uy at lalo na si Solenn Heussaff. Oo nga’t may pagka-lukaret si Solenn lalo na kapag kasama ang asawang si Nico Bolzico, pero for fun lang ‘yun at wala naman silang mga tradition na sinusuway o wala silang nilalait except ang isa’t isa.
Sana ay magsilbing aral ito kay Isabelle Daza dahil pang-ilang beses na ba niyang nasangkot sa ganitong isyu? Hindi ba natuto o ayaw matuto? Ilan sa mga nagfo-follow sa IG ni Belle ang nag-unfollow na at may ilan na nagsasabing i-boycott daw ang mga produktong ine-endorse niya.
Solenn, turuan mo nga ng leksyon ‘yan!