BLIND ITEM: KAYA pala bongga ang career ng isang aktor na produkto ng isang paseksihang search, eh, dahil bongga rin ang kanyang “kapit” sa network.
In fairness, kahit hindi naman pambida ang kanyang ginagampanang papel, keri na, basta meron lang siyang regular show kahit pa teleserye ‘yan na me wakas din. Still, kita pa rin ‘yon at visible pa rin siya sa telebisyon.
One time, meron siyang kainuman sa isang bar sa may Quezon City. Ang sarap-sarap ng kuwentuhan nila ng kanyang barkada nang mag-text ang bading na kapit niya sa network.
“Sandali lang, pare, ha? Need to go,” paalam niya sa ilang kainuman. Eh, ang hindi alam ng mokong, eh, sinundan siya ng tingin ng mga dabarkads, kaya ayun, sight na sight nila na sinundo ng bading ang aktor.
Eh, siyempre, kahit wala namang ginagawang masama ang dalawa. Malay ba naman nila kung pure friendship lang ang namamagitan sa dalawa, pero ang iniisip pa rin ng mga dabarkads eh, “May dyowang bading ang gago! Ha! Ha! Ha!” Sey nga ng isa sa kanila.
Paano naman nila nalamang magdyowa ang dalawa?
“Eh, humalik ang gago, eh.”
Beso lang naman, eh. Normal lang ‘yon.
“Sa lips, normal?”
Gano’n? Wa na raw kaming masey. Ha! Ha! Ha! Naku, ‘wag n’yo nang itanong kung sino, dahil ang kanyang initials ay parang laging present sa buhay ng isang talent o artista.
GALIT NGA SI RUFA Mae kay DJ Mo. Dahil inulit na naman ni DJ Mo ang kanyang kasalanan kay Rufa Mae, tapos, hihingi lang ng sorry. Ganyan si DJ MO, ang yaman-yaman niya sa paghingi ng sorry, dahil ang yaman-yaman din niya sa paggawa ng kasalanan sa mga artista.
Naisip nga ni Rufa Mae, “Nag-e-enjoy na siya ’pag pinag-uusapan na siya. Ayoko na sanang pansinin, eh. Kaso, sumosobra na, eh!”
Hindi rin namin sana huhusgahan itong si DJ Mo, kaso, me encounter din kami sa kanya. Akalain n’yong sabihin niya sa radyo na sa mga reporter daw, kami ang pangit?
Gusto naming igalang ang kanyang opinyon, pero at the end of the day, naisip namin, kung pangit ako, ano pa itsura nitong isang ito?
‘Yan din ang sinabi namin sa kanya nu’ng magkrus ang landas namin noon sa launching ni Dingdong Dantes bilang endorser ng Belo Medical Group sa NBC Tent. Nu’ng ipa-realize namin sa kanya na mali siya, nag-sorry.
Gano’n lang kadaling magsori sa kanya, pero hindi niya ‘yon mini-mean. Kasi, gagawa na naman siya ng kasalanan. Kaya nga sabi ni Rufa Mae, “Ba’t ba ako nang ako ang pinag-iinitan niya?
“‘Wag na niyang ubusin sa akin ang oras niya, ang atensiyon niya, baka naiinsekyur na sa akin ang anak niya na mas nangangailangan ng oras at atensiyon niya.
“Du’n na lang niya ibuhos ang panahon niya, lalo na’t me sakit ang anak niya, di ba? Baka i-bless pa siya ni Lord.”
GUSTONG LINAWIN NI Ate Vi na kung gagawin niya ang life story ni Tita Cory ay hindi naman si Piolo Pascual ang leading man niya.
“Si Piolo ang younger Ninoy at siyempre, me younger Cory. Kaya hindi siya ang leading man ko,” paglilinaw ni Ate Vi na depende pa raw sa mga Batangueno kung siya’y papayagang gumawa uli ng isa pang pelikula pagkatapos ng In My Life.
Alam n’yo naman si Ate Vi, very one movie a year lang ang kaya, dahil masyado siyang dedicated bilang public servant as Batangas governor.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Kung nasa bandang South naman kayo (lalo na ang naka-Paranaque Cable) ay mapapanood naman kami nina Dolly Anne Carvajal at Maui Taylor sa “Stop, Talk & Listen” every 6pm, 12mn at 12nn sa Channel 35.
Oh My G!
by Ogie Diaz