BLIND ITEM: Baka puwedeng mag-workshop pa ang young actor nang bongga sa akting para na rin sa kanyang “kinabukasan”. Me nagbalita sa amin na hindi satisfied ang production staff sa akting na ipinamalas ng young actor, samantalang ilang teleseryes na rin naman ang kanyang nilabasan.
“Kahit naman sa mga nakaraang serye, talagang pagtitiyagaan mo lang talaga siya kahit ilang takes hanggang sa makuha na niya nang bongga ang hinihinging akting ng direktor. Maganda lang talaga ang mukha niya sa screen, ‘yun naman ang hindi mo puwedeng ipagkaila. Mahal pa ng kamera ang mukha niya, kaya rin siguro marami siyang fans.”
Pero rito nga raw sa latest na ginagawang serye ng young actor, “Ay, talaga namang para kang naglalaba na bago mo isampay ay pipigain mo muna nang pipigain hanggang sa lumabas lahat ang tubig. Gano’n ang young actor. Wala pa ring improvement ang akting niya, ganu’n pa rin.
“Buti nga kamo me mga TV commercials siya, eh. Eh, kung ang kinikita niya ay depende lang sa kung gaano siya kahusay umarte, aba eh wag na niyang asahan,” sabi pa ng staff na source namin.
Pero sabi nga namin sa aming kausap, wala na silang magagawa. Eh, sa talagang camera friendly ang mukha ng bagets regardless kung hindi man ito marunong umarte. At hindi naman ‘yon nakikita pag napapanood ng tao, “Oo, kasi nga, pigang-piga siya. Eh, alam mo naman, Ogs, ang taping ng mga teleserye ngayon. Hindi puwedeng hindi marunong umarte, dahil more than 40 sequences ang requirements na matapos kada taping day.
“Eh, kung uubusin lang ‘yung oras, dahil lang sa kailangang pigain at i-please ang young actor eh, hindi talaga maa-achieve ang 40 sequences a day?”
Anyway, kaya nga nandiyan din ang mga direktor para i-guide ang young actor, “Pero ate naman, hindi ba puwedeng ilang taon ka na rito, baka puwedeng makitaan ka naman ng improvement?”
Hahahaha! Juice ko! Hindi na kami magbibigay pa ng clue. Ang tanging maisa-suggest na lang namin dito ay ‘wag nang bumalik sa basic acting workshop. Kumuha na siya ng ilang advance acting workshop para ‘pag nakitaan naman siya ng husay ng mga direktor ay baka palakpakan na siya.
Sino to? Ah, basta. Siya na nga. As in siya na ‘yon.
By Ogie Diaz