BLIND ITEM: KINSA Siya? Nakalulungkot naman ang kuwentong ito. Isang young actor daw, natutulog at siyempre nakikigi-sing daw sa bahay ng isang bading na director. Madalas daw makitang magkasama si direk at si young actor ngayon sa mga lakaran.
Ang sabi ng iba, baka raw may ginagawang proyekto itong si young actor sa bading na director. Pero pagtataas ng kilay ng aming kaibigan, parang may ‘something’ daw na namamagitan between direk at young actor.
Ang sitsit naman ng isa naming kaibigan, ‘di ba may isa pang gay benefactor daw itong si young actor, paano kaya niya nalusutan ang mga matatalas na mata ni Angelita nitong isa pang gay benefactor na may pera rin talaga?
Or hindi lang talaga naghinala ang unang gay benefactor sa young actor sa kung anuman ang meron sila ng pangalawang gay benefactor dahil gusto nitong magkaroon ng proyekto si young actor?
ISA PANG BLIND Item: Kinsa Siya? Marami nang bulung-bulungan ang naglabasan tungkol sa isang in-demand at magaling na actor ang diumano ay sumakabilang-bakod na mula sa kanyang home studio pa-punta sa kanyang bagong home studio (oh, ‘di ba, walang clue).
Pero tikom ang panig ng magkabilang kampo tungkol sa isyu. Ang ikinabigla lang namin, may nagkuwento sa akin na sa isang event daw ay nagkasalubong itong aking kaibigan at ang magaling na actor at bigla daw itong nag-dialogue ng malapit n’yo na akong makasama. Talbog!
MULA SA PAGIGING simpleng binata, nag-iba ang kuwento ng buhay ni Joseph Bitangcol nang sumali siya sa Star Circle Quest. Tinamasa niya ang sobrang kasikatan at tagumpay noon dahil sa popularidad katuwang ang kanyang real-reel partner na si Sandara Park. Kabi-kabila ang kanyang proyekto at mga shows sa iba’t ibang lugar.
Pero nagkaroon ng lamlam ang bituin ni Joseph nang nagkahiwalay sila ni Sandara. Unti-unti siyang nawalan ng mga proyekto at shows. Hanggang sa lumipat siya ng istasyon, pero hindi naging madali ang kanyang pagbangon. Hindi rin siya nagkaroon ng pangmatagalang shows sa kanyang nilipatan. Nakaapekto ng malaki sa kanyang karera ang pag-alis ng kanyang ka-loveteam pa-Korea upang subukan din ang kanyang talent sa kanyang bansang pinagmulan.
Ngayon si Sandara ay sikat na hindi lamang sa kanyang bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Labis pang sakit ang idinulot sa pamilya ni Joseph ng bagyong Ondoy sa kanilang pamumuhay at pamamahay. Pinasok ng tubig ang kanilang bahay sa Marikina dahil sa baha na dulot ng bagyo at halos nabasa at naputikan ang kanilang mga kasangkapan. Na-stroke pa ang ama ni Joseph kaya naman ang kanilang kaunting naipon ay naubos din sa gamutan.
Pero kahit na masasabi nating lugmok na lugmok na si Joseph, pinilit pa rin niyang lumaban sa mga pagsubok ng panahon. Hindi siya nahiyang lumalapit sa kanyang mga kaibigan upang makapangutang ng kahit magkano upang maipantustos sa pagpapagamot sa ama. Kuwento pa ni Mommy Lydia, ina ni Joseph, siya na ang naaawa sa kanyang anak dahil parang andami nang kargang problema ito sa kanyang balikat.
Pero hindi pa rin nahihiya si Joseph na balikan ang kanilang pagba-barbeque. Paminsan-minsan ay siya pa rin ang personal na namamahala sa pagtitimpla at pagsasahog ng mga rekado para sa kanilang mabentang barbeque. Matapos ang panayam noon kay Joseph sa Paparazzi, unti-unti nang nagkaroon muli ng sinag ng araw ang noo’y makulimlim na karera ng binata. Nang makausap namin sa pamamagitan ng text si Joseph noong isang linggo, nagpaabot siya ng pasasalamat sa amin sa kapiranggot na bahagi ko sa kanyang buhay-artista nang personal kong pinuntahan ang kanilang bahay sa Marikina at sa pag-interview ko sa kanyang mahal na ina.
Sa ngayon, may regular show na si Joseph sa TV5 at muli niyang ibabahagi sa publiko ang mga hinaing, hinagpis at halakhak nang kanyang buhay sa Star Confessions sa Miyerkules, pagkatapos ng Willing Willie sa TV5!
Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.
Sure na ‘to
By Arniel Serato