Sipat-eklat: Young actor na sobrang sweet sa ka-loveteam na young actress, mayroong non-showbiz GF!

SIPAT: Nag-SORRY naman daw pala si SEN. JAMBY MADRIGAL kay JUDY ANN SANTOS sa umano’y SINABI nitong PINAGSISISIHAN ang PAGKUHA ng ARTISTA sa PANGANGAMPANYA noon.
EKLAT: At para PATUNAYAN na SINCERE ang kanyang APOLOGY, PAPAKYAWIN ni SEN. JAMBY ang BAGONG INEENDORSO ni JUDAI – ang LACTACYD!

SIPAT: Naka-PITONG BOYFRIEND [?] na raw at HINDI na raw VIRGIN si MELAI CANTIVEROS, sey n’yo?
EKLAT: PANAY siguro ang GAMIT ng LACTACYD…

SIPAT: WALA raw BALAK si MELAI na MAGPARETOKE. IPAAAYOS niya lang ang NGIPIN niya.
EKLAT: Para HINDI BUMANGGA ‘pag NAGHALIKAN sila ni JASON FRANCISCO.

SIPAT: Uy, IPINAGMAMALAKI ng ABS-CBN na sila ang NUMBER ONE sa RATING nu’ng NAKARAANG TAON!
EKLAT: Uy, IPINAGMAMALAKI rin ng GMA-7 na sila ang NUMBER ONE sa RATING nu’ng NAKARAANG TAON!

SIPAT: HULAAN kung kani-kaninong TALENT FEES from SEN. MANNY VILLAR ang SUMUSUNOD: P50-M, P40-M, P30-M, at P20-M.
EKLAT: A) DOLPHY; B) WILLIE REVILLAME; C) MICHAEL V; D) SARAH GERONIMO

SIPAT: SECRETLY MARRIED na pala si CARLENE AGUILAR sa BUSINESSMAN named YO OCAMPO.
EKLAT: SECRET lang ‘yan… baka MALAMAN ni DENNIS TRILLO.

SIPAT: Uy, FINALIST si ANGEL LOCSIN sa BEST TWITTER CELEBRITY ng SHORTY AWARDS.
EKLAT: Para SAAN ‘yan? MA at PA!

SIPAT: Sey ni ANGEL, e, SPECIAL pa rin sa KANYA si LUIS MANZANO.
EKLAT: As in… SPECIAL CHILD?

SIPAT: LAGLAG si RICHARD GOMEZ sa PAGTAKBONG CONGRESSMAN sa ORMOC CITY. HINDI raw kasi RESIDENTE roon ang AKTOR.
EKLAT: ‘GANDA nga naman kasi ng BAHAY ni GOMA sa GREENHILLS!

SIPAT: Pero, SAYANG… ang LAKAS pa naman ni GOMA.
EKLAT: Sa SURVEY ng FAMILY FEUD, siya ang NANGUNGUNA, e.

SIPAT: TODONG HUBO’T HUBAD daw itong si ROCKY SALUMBIDES na SYOTA ni EULA VALDEZ sa PINAGBIBIDAHANG INDIE MOVIE.
EKLAT: Naku, i-GOOGLE n’yo lang si ROCKY para MASIPAT kung ‘PROMISING’!

SIPAT: May NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND talaga ang YOUNG ACTOR at PALABAS lang na SWEET kuno sila ng YOUNG ACTRESS para PAKILIGIN lang ang kanilang FANS.
EKLAT: PAANO nga KAYA kung LUMANTAD na ang NON-SHOWBIZ GIRL, ‘no?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleKris Aquino, walang pakialam sa mga taong walang silbi sa kanya!
Next articleHulicam: LJ Reyes, adik?!

No posts to display