Young actor, nagwala sa airport

SEPTEMBER 26 PA nangyari ang bagyong Ondoy, hanggang ngayon, ang karamihan sa mga kababayan natin, kung hindi naglilinis-nag-aayos ng nasalantang tinitirhan, eh, binura ni Ondoy ang tirahan.

Grabe ang pinsalang iniregalo ng bagyong ‘yan sa atin. Maging ang bagyong Pepeng ay OA rin ang hagupit sa ilang lalawigan.

Nakatutuwa na sa mga ganitong pagkakataon ay lutang na lutang ang bayanihan spirit sa ating mga Pinoy.  Siguro nga, ‘yun ang mensahe ni Bro sa ating lahat.

Na hindi lang sa kalamidad masubok ang ating pakikipagkapwa-tao.  Maging sa pang-araw-araw na buhay, dapat, marunong tayong tumulong sa mga nangangailangan.

At maraming salamat sa mga “bayani.”

[ad#post-ad-box]

GAANO KAYA KATOTOO ito?  Na nu’ng Biyernes sa NAIA Terminal 3 ay may insidenteng naganap sa pagitan ng ilang staff ng Cebu Pacific at ng isang young actor na patungo sana ng Bangkok bandang 8 P.M.

Nagwala raw ang young actor dahil hindi sila pinapasok sa eroplano, bagkus pinagsarhan pa ng tube getting ready for take-off.

Ang punto ng young actor, ba’t sila pinagsarhan ng kasama niyang babae (isang non-showbiz na sobrang ganda raw at mukhang ramp model pa) ng tube, eh, hawak nila ang boarding pass nilang dalawa?

Ang katwiran ng young actor, ba’t hindi sila hinintay?  At doon na sila nagtalu-talo.  Sa sobrang buwisit at inis ng young actor, sa harap ng mga staff,  pinunit niya’t dinuraan niya ang boarding pass nila ng kanyang kasama.

Nakakalokah ang insidenteng ‘yon.  Tinanong nga namin ang aming source kung yung young actor nga ‘yon o baka kamukha lang, “Hindi puwedeng magkamali ang pinsan ko, Gie, siya nga ‘yon!”

Anyway, tingnan natin kung lulutang ang pangalan ng young actor na ‘to.  Kung ito man ang young actor at “nag-newsblackout” bigla, ibig sabihin, baka itanong nga naman ng press kung sino ang kasama niyang babae.

Pero abangan natin ang susunod na kabanata.

SA ISANG DIYARYO ay lumabas na anong klaseng konsehal si Aiko Melendez sa District 2 ng Quezon City, ni hindi man lang sumasaklolo sa ilang barangay na nasalanta ng bagyong Ondoy.

For the information ng taong ito, eh, hindi naman nagbubutas ng bangko si Aiko.  Katunayan, ang una niyang pinuntahan para hatiran ng tulong ay ang Bgy. Silangan kung saan siya pa ang nagbalita sa amin na nakahilera doon ang mga kabaong na namatay sa pagkakalunod.

Maging sa Brgy. Baesa, Gulod at North Fairview ay nagtungo rin si Aiko para mamahagi ng relief goods.  Tuwang-tuwa pa nga niyang ibinalita sa amin na meron siyang natanggap na donation na medicine worth 100 thousand pesos na hahati-hatiin niya sa kanyang distrito.

“Mother, bago pa lumabas ang item na ‘yan, ako mismo, nanawagan sa radio program mo na tulungan ang mga kadistrito ko, lalo na sa Brgy. Silangan, so feeling ko, meron lang grupo na naninira sa akin!

“Araw at gabi, ikot ako nang ikot sa district ko para alamin ang kalagayan at tulungan ang mga constituents ko.  Sa Brgy. Baesa nga, kahit konting yero, ibinaba ko du’n, para kahit paano, kahit unti-unti, makapagsimula sila ng bagong buhay.”

Hay, naku, Aiko, kesa intindihin mo sila, eh, mas ituloy mo na lang ang pag-iikot at pagbabahagi ng tulong sa iyong kapwa.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station, 11-12nn.  At maririnig din sa www.dwiz882.com.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articlePagtulong ni Angel Locsin, inintriga – Cristy Fermin
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #157

No posts to display