BLIND ITEM: UNLIKE a woven cloth, mismong ang young sexy comedienne na ito ang nagpasintabi sa amin na hindi niya hinabi ang kuwentong ito.
Saksi siya nang timbrehan ng isang kapwa young actress, who got a call from her rumoured actor-boyfriend, para sunduin ito sa airport somewhere in the Visayas. Klaro ang arrival details ng aktor, may nag-aantabay nang sasakyan lulan ang kanyang girlfriend, kasama ang aming komedyanang source.
Nang iluwa ang aktor mula sa arrival area, may ibang sasakyan din pala sa labas ng airport ang naghihintay sa kanya. It turned out that the passenger of the vehicle ay isang very promising young actress, anak ng isang tanyag na action star.
Nagulat siyempre ang dyowa ng aktor whose car was tailing behind the vehicle na sinakyan nito. Siya itong tinawagan para sumundo sa aktor, pero ibang babae ang pumik-ap?
Nanlumo ang aming komedyanang source para sa kanyang kaibigang aktres. Minsan na nga naman nitong isinakripisyo ang kanilang relasyon ng young actor to give way to the latter’s loveteam, ‘eto’t nasundan pa uli?
Parausan na lang bang matatawag ang pobreng young actress na ito, na nagkaroon nga ng ‘puwesto’ sa isang pambansang beauty contest, pero talunan naman pagdating sa larangan ng pag-ibig?
One thing’s for sure, sobrang naa-alarm na ang madir para sa anak niyang very promising actress na nahuhumaling sa talipandas na aktor. Balak na nga raw ng madir na pabalikin na ang anak sa bansang pinanggalingan, na sinalanta ng lindol bago ang trahedya sa Japan.
Juice ko naman, napaka-‘rich’ na ang mala-wooden statue na clue na ito mula sa Land Down Under!
FINALLY, NAGKAROON NA rin ng final cast para sa remake ng pelikulang Temptation Island. Kung sino ang gaganap, from the original version, bilang Jennifer Cortez, Bambi Arambulo, Azenith Briones, Deborah Sun at Dina Bonnevie ay naianunsiyo na.
But if there’s one pivotal role in the film by Joey Gosiengfiao (SLN), ‘yun ay ang papel na ginampanan ng baklang si Joshua (played by a legit theatre person whose name slipped my mind), one of the stranded passengers from the shipwreck na nung matsugi ay inihaw at kinain ng mga survivors sa isla.
Eighties nung ipinalabas ang naturang pelikula, we were active in theatre ourselves back in college. Kung hindi kami nagkakamali, it was the actor who played Joshua who solely came from legit stage, kaya naman bawat bitaw niya ng linya did not only sound near-British, alam mo ring intelihente siya.
But of course, remakes are neither faithful nor exact photocopies of the original versions.
Dinig ko, ang gaganap bilang Joshua ay walang iba kundi si, brace yourselves, John Lapus! Although a theatre person himself back in his UST days (Teatro Tomasino), ngayon pa lang, Sweet will pale (and fail!) in comparison!
No apologies, but John Lapus is not as elonquent as the original Joshua. Mother Lily, I suggest, must know how to tell an island from a pot of soil.
KAHIT SA SIYUDAD, may ahas din! Dito iikot ang episode ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang ‘Si Pinsan Ko at Si Lover Ko, Nagmimilagro sa Kabilang Kuwarto Habang Buntis Ako!’
Kuwento ito ni Elena na inahas daw ng kanyang ka-live in na si Sam at ng pinsang buo niyang si Evangeline. Himutok ni Elena, hindi na raw kinilabutan ang kanyang pinsan na matapos patirahin sa kanilang bahay, pati dyowa niya, tinira rin!
Salamat sa kapatid ni Sam na si Jay-R na siyang nagsumbong kay Elena, na tatlong buwan na palang niloloko. Pero nang magharap-harap sa Face To Face, itinanggi ni Sam na meron silang ugnayan ni Evangeline. Pera lang daw nito ang habol ni Sam dahil sa kawalan ng trabaho.
Pera lang? Bakit bakla ba si Evangeline?
Hay, naku, panoorin n’yo na lang ang isa na namang katsipang kuwento ng buhay sa FTF ni Tsang Amy!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III