AT 18, Young JV started his advocacy, to help soldier’s orphan. With the help of his parents, itinatag niya ang Lahing Bayani Foundation and AFFEI in cooperation with AFPEBSO. Last December, nagkaroon ng gift-giving for soldier’s orphan and basketball game sa AFP Recreational Center sa Camp Aguinaldo.
“My Dad po, military siya, dating PMA. ‘Yung mga kids na pinag-aaral ko, ‘yung mga anak ng soldiers na namatay sa giyera. ‘Yung kinita ko sa aking album, ‘yung benefits nito, ibinibigay ko sa kanila with the help of my Mom. Ito ‘yung little way na makatulong sa kanila,” say niya.
Ikinuwento ng Papa ni JV ang tungkol sa giyera sa Mindanao. Sabi niya, dito sa orphan ng mga sundalo siya tutulong.
“Kawawa naman sila, walang tatay, maliliit pa sila, saan sila kukuha ng panggastos nila? Sabi niya, ano kaya ang magandang pangalan? Let’s think of a name, ano kaya ang magandang pangalan? Naisip niya, in each child their always a hero considering this children are the offspring of people who are truly heroes of our country, kaya naisip namin ang Lahing Bayani Foundation,” pahayag ng Mommy ni JV.
“Everytime na nagbi-birthday sila, hindi ko binibigyan ng party. If ever may party na tinatawag, it’s always sa bahay ng mga orphan. Hindi naman siya gaya ng Papa niya. He was raise a poor, hindi siya nakapag-sapatos hanggang grade school siya, kaya nag-PMA. But JV, blessed naman siya kahit kaunti, nakabili naman natin siya ng sapatos, napag-aral natin siya, ganoon. Pasalamat tayo sa mga blessing na dumarating sa atin, hindi lang para sa akin ito. There will be a reason for this,” dugtong pa ni Mommy.
Anong disiplina ang natutuhan ni JV sa Papa niya na ina-apply niya sa ngayon? “’Yung lifestyle, hindi naman military. There’s one thing na ina-apply niya, ‘yung being on time. Kasi noon, one minute lang grounded. Ang disiplina ni Papa, parang military. Na-appreciate ko ‘yung discipline ng tatay ko at ‘yung pagiging honest and being kind to people,” turan ng singer/actor.
“Ako naman, medyo more on democratic disciplinarian as long as you give me a good reason. You convince me and I will open. Si Red (Papa) is more open to the idea of JV getting into this. Nakikita naman niya, nag-mellow siya in that sense. Pero sabi niya, ‘JV, you have to get a degree kahit anong klaseng degree in line with what you want, finish it. Kasi, there’s no such thing as permanent thing in showbusiness, ‘di ba?” Paliwanag naman ni Mommy JV.
‘Yung name na Young JV, gagamitin pa rin kaya niya kahit hindi na siya young? “Mang na ang tawag sa akin by that time. Feeling ko, you should maintain the young even if you get older. Tignan mo naman, halos lahat ng tao pareho ang pangalan. I want to have a different name, kakaiba, ‘yun ang gusto ko.”
Second album? “It’s gonna be urban pop, kakaiba ang tunog, na-appreciate nila ngayon. Noon, I don’t want to dance kasi nagba-basketball ako. Ang basketball ko, streetball. Sa streetball, I will dance kasi, parang exhibition game.”
Tsika naman ng mommy ni JV, “Sabi ng Papa niya, ‘Ano ba ‘yan? Para kang babae sa dance-dance na ‘yan. You know, when I notice that, ‘yung statement pala ng tatay, may impact sa anak. From that time on, he didn’t dance at all, only now. Only now, he get out of his shell. He finds out he can dance.”
Is there a possibility na pumasok si Young JV sa military like his dad? “Wala po. Kasi, ‘yung heart ko, nasa performing talaga as a singer and as an actor,” simpleng sagot ng binata.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield