HINDI NAITAGO NG YouTube superstar na si Lilly Singh a.k.a. iisuperwomanii ang kanyang pagkadismaya sa inasal ng ilang fans na pumunta sa kanyang special show sa katatapos lang na YouTube Fan Fest na ginanap sa World Trade Center noong May 12. Ito ang taunang selebrasyon ng video sharing website, kung saan tampok ang ilan sa mga international and local YouTubers tulad nina Alex Wassabi, Mikey Bustos, Lloyd Cadena at Wil Dasovich.
Si Lilly Singh ay kasalukuyang nag-iikot sa buong mundo upang i-promote ang kanyang libro na “How to be a Bawse” and usually, may bayad ang ticket ng mga shows except sa Pilipinas dahil naisipan ng YouTube na isabay ito sa Fan Fest. Dahil libre ang mga tickets, naging disorganized ang dapat na intimate show. Sa ibang bansa ay nakikinig ang mga fans sa pakiusap niya to ‘be present’ and ‘live in the moment’. Sa Pilipinas ay nakiusap din siya na kung maaari ay making at huwag masyadong mag-video dahil may meet and greet portion naman pagkatapos. Sadly, naging pasaway ang mga nasa kuwarto. Hindi lang ‘yan: may ilan sa na tayo ng tayo at pilit na nakipag-selfie sa ibang YouTubers na nasa kuwarto. Napilitan ang mga kaibigan ni Lilly na lumabas na lamang para makaiwas sa gulo.
Sana ay magsilbing aral ito sa mga viewers na matutong rumespeto sa mga performer lalo na kung maayos naman silang nakikiusap to pay attention and focus on the show. Hindi excuse ang pagiging ‘selfie capital of the world’ para bumastos tayo ng kapwa.
Sa mga hindi nakakakilala kay Lilly Singh, isa siya sa most subscribed YouTuber sa buong mundo at may mga nagsasabi na siya ang reyna ng nasabing online platform. Ilan sa mga celebrity fans niya ay ang Kapuso stars na sina Maine Mendoza at Kylie Padilla.
Kahit pa hindi maganda ang naging karanasan ni Lilly sa Bawse show niya sa Manila, naging energetic naman ang mga fans nang sumalang na siya sa main stage to perform some of her songs together with best friend Humble The Poet. Sa pagtatapos ng kanyang vlog ay naging vocal ang dalaga na gusto niyang bumalik pa rin sa Pilipinas para sa engrandeng bakasyon. Sana ay ituloy niya ito at wish lang namin na wala nang mga pasaway na bagets, huh!
By ParazziKween