Ysabel Ortega, effective sa panggugulo sa JaDine

Ysabel-OrtegaONE SOLID proof that a screen villain is effective in his portrayal is when he faces a world of enemies out to kill him. Ito’y lalo na kung sagabal ang kontrabidang ‘yon sa mga bidang kadalasang nag-iibigan sa kuwento.

Walang iniwan ito sa kaso ni Ysabel Ortega who slips into the “flirty” persona of Angela Stevens sa top-rating na teleserye ng ABS-CBN, ang On The Wings of Love.

Pero bago rito, da who ba muna ang 16 year-old newbie na ito na nagbabantang buwagin ang tambalang James Reid-Nadine Lustre?

Ysabel is the only love child ni Senator Lito Lapid at ng former teen actress na si Michelle Ortega. Bagama’t isang open secret sa showbiz circle ang kanilang relasyon, little did we know na showbiz din ang landas na tinatahak ngayon ng bagets.

OTWOL is Ysabel’s first TV assignment, na noong makita agad ng mga taga-Dreamscape—particularly Deo Endrinal—Ysabel was made to report on the set right away. “Sobrang natuwa po ako, muntik na nga po akong mahulog sa kinauupuan ko, eh. Same with my mom, she almost fell off her seat!”

‘Yun nga lang, Ysabel is paying the price. Bina-bash siya ng mga JaDine fans, “But there are those naman po who understand na role lang po ‘yon. Trabaho lang. Pero ‘yung iba po, may mga banta na, kesyo tutusukin daw nila ang mata ko kapag nakita nila ako, kesyo aabangan daw nila ako.”

But Ysabel would take all the social media bashing with a grain of salt, “Siguro po, effective lang talaga ‘yung mga tingin ko kay James.”

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa alagang ito ni Ogie Diaz, inamin ni Ysabel na hiwalay na ang kanyang mga magulang, “It was my mom who ended their relationship. Mga four years ago na po ‘yun. Gusto po kasi ng mom ko magbagong-buhay in the sense that she wanted to go back to showbiz, kaya she’s back in recording. Nakatapos na po siya ng album, and some of its tracks are being played on the airwaves.”

What is it like to live in a fatherless home? “Okey lang naman po kasi my mom is both mom and dad to me. Hanggang ngayon nga po, magkatabi kami kung matulog. Siyempre, it’s different when you have both parents at home, but I wouldn’t have it any other way kasi masaya naman po ako sa suportang ibinibigay ng mom ko.”

Samantala, kapwa mga magulang ni Ysabel ay tatakbo sa mga lokal na puwesto sa darating na eleksiyon: Lito for mayor in Angeles City, Pampanga; Michelle also for mayor sa bayan ng Caba sa La Union.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBenjie Paras, mino-monitor ang gastos at cellphone ni Andre Paras
Next articleAi-Ai delas Alas, isinaksak lang sa noontime show

No posts to display