Yul Servo, hindi kayang talikuran ang showbiz kahit congressman na

Yul Servo

KAHIT BUSY sa pagiging kongresista sa 3rd District ng Maynila ay hindi pa rin maiwan-iwan ni Yul Servo o John Marvin Nieto in real name ang pag-arte.

Huli namin siyang nakita sa teaser ng progamang Ipaglaban Mo ng ABS-CBN kasama si Maricar de Mesa.

Talent ng yumaong director na si Maryo J. delos Reyes si Yul. In fact, ang director ang naging advicer ni Yul nang pasukin na nito ang pagiging public servant sa kanilang lugar.

Malaki ang naging epekto kay Yul ng pagpanaw ni Direk Maryo, pero aniya, life goes on. Maraming bagay din siyang natutunan sa butihing director na ginagamit niya ngayon para mas maging epektibong public servant.

Napapangiting kuwento ng actor-politician sa post birthday dinner niya with the entertainment press, napakaraming lamay ng patay na raw ang kanyang napuntahan simula pa noong taong 2007 kung saan konsehal pa lang siya.

Aniya, “Bilang konsehal, kapag pupunta ako sa patay, may mga nagpapa-picture, nahihiya po ako, pero naisip ko na sa pamamagitan ng pagpapa-picture nila, nababawasan kahit paano ang pighati nila.”

So, from 2007 up to this year, 2019, halos 12 years na pala siyang naglilibot sa mga lamay ng patay sa kanyang distrito. At hindi rin daw siya napapagod na gawin ito.

Bukod sa lamay ng patay ay madalas ding maimbitahan si Cong. Yul sa binyagang bayan at kasalang bayan.

Bilang congressman, marami na ring batas na naipasa si Yul sa House of Congress na makikita sa kanilang website.

Muling tumatakbo si Yul sa bilang congressman sa pangalawang termino sa 3rd District ng Maynila ngayong May 2019 midterm election.

Maraming batas na naipasa na si Yul at makikita ang lahat ng ito sa website nila sa Congress.

 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleNAPATUNAYAN MULI ANG GALING: Thea Tolentino, hakuterang kontrabida ng GMA-7
Next articleNadine Lustre, pinasok na rin ang pagbebenta ng bikini!

No posts to display