SA TOTOO lang, ‘di ko alam kung akma ‘yong ikinuwento ng aktor na si Yul Servo na sinusuportahan siya financially ng aktor na si Piolo Pascual. Si Yul kasi, tatakbo bilang kongresista sa distrito niya sa Manila, kung saan for the past three terms niya bilang konsehal, mula sa kanyang bibig ay ikinuwento niya sa ilang mga press people ang financial support na ibibigay ng kaibigan niyang si Piolo.
Kung maaalala pa, minsan na ring kumalat ang tsismis na may “special friendship” sina Yul at Piolo na kahit saan mo man tingnan, lahat ng mga artistang lalaki, dumaraan sa sinasabi nilang baptisim of fire sa dalawang matinding tsismis. Ang tsismis, either isa siyang bading or kept man ng isang bading.
Pero ang tsismis ay tsismis pa rin hanggang sa may mapatutunayan. Lahat magmamayabang na kesyo nakuha or nahada siya ni ganitong male star or nakarelasyon siya ng isang male star, kung hindi man ang tsismis na isang male star ang sumusuporta sa financial needs ng isang lalaki or kapwa niya male star. Para sa akin, ang tsismis ay tsismis hangga’t nasaksihan ko nang personal; may nakita ako o ‘di kaya’y may litrato na patunay para paniwalaan ko ang isang tsismis.
Pero sa isyung financial support ni Papa P. kay Yul na ang tsismis sa pagitan nila ay hindi mamatay-matay; tila sa pagkakaalam ko, malalagay sa alaganin ang deklarasyon ni Yul sa tulong na pera ni Papa P. sa kanya.
Sa pagkakaintindi ko, si Papa P ay isang American citizen, na ayon sa Election Law, bawal kumuha ng suporta mula sa isang dayuhan (isang tao man or grupo) to finance someone’s bid for a public seat.
Ayon sa kuwento ni Yul na sinabi diumano nito na matagal na siyang sinusuportahan financially ni Papa P. sa kanyang kandidatura sa pagka-konsehal at ngayon ay bilang isang kongresista, hindi kaya lumikha lang ng butas si Yul para silipin siya ng mga kalaban niya sa pulitika para gawing isyu ito? For the past years na kumakandidato si Yul sa lokal na pamahalaan ng Maynila, ngayon nga nagsalita siya tungkol sa financial support na bigay ng kaibigan niyang si Piolo Pascual.
Reyted K
By RK VillaCorta