Walang kaalam-alam ang showbiz na mayroon na palang malalang sakit si Tita Donna Villa, producer ng Golden Lion Films at kabiyak ni Direk Carlo J. Caparas. Last January 17, namaalam na ang totoong Darling of the Press sa industriya na mahal na mahal ng entertainment writers.
Silang magpa-pamilya lang (Direk Carlo at mga anak na sina CJ at Peach) ang nakaaalam na malala na ang sakit ng lady producer. Takot kasi si Tita Donna na magpa-check-up sa doctor nu’ng may nararamdaman siyang masakit sa parteng tiyan niya.
“Parang kurot lang na dinedma niya ‘yong sakit,” kuwento ni Direk Carlo J. sa amin ni kaibigang Jobert Sucaldito sa wake last Wednesday night habang kausap din namin ang panganay niyang anak na si CJ.
From December 6 to 19 ay naka-confine si Tita Donna sa Asian Hospital sa Alabang. December 20, inilipat siya sa UST Hospital, kung saan nag-celebrate ng Christmas at New Year ang pamilya ni Direk Carlo.
Maging ang close confidante ni Tita Donna na si Ate Nene Mercado na regular fixture sa presscons at events ng mag-asawa, hindi rin alam na may malalang sakit na iniinda ang kanyang “besti”. Kuwento ni Ate Nene sa amin, habang kausap niya si Tita Donna sa mobile phone noong nakaraang Christmas, nasa hospital na pala ito.
“Hindi niya sinasabi na naka-confine siya. Naalagaan ko man lang sana siya,” sabi nito.
Ayon kay CJ, reason kung bakit walang nakaalam sa showbiz tungkol sa terminal cancer ni Tita Donna at naka-confine ito sa ospital hanggang mabawian ng buhay ay ayaw niyang mag-alala pa ang ibang tao sa kanya.
“Ayaw niyang mang-abala pa ng tao,” sabi ni CJ sa amin.
Sa kasalukuyan, ang wake ni Tita Donna ay sa Purity Chapel (2nd floor) ng Cosmopolitan Memorial Chapel na matatagpuan between E. Rodriguez Avenue and Aurora Boulevard.
“Last night ng viewing at sa mga makikiramay ay until Friday. Saturday morning she will be cremated and her ashes will be brought to Cebu as her last request. Nandu’n kasi ang parents niya,” sabi pa ni CJ sa amin.
Gusto ko sanang ikuwento ang iba pang detalye at rason ng pagkamatay ni Tita Donna at ang struggle niya sa ilang natitirang araw sa buhay niya while she’s in the hospital, pero I’ve decided na huwag na lang. Gusto kong maalala si Tita Donna noong bago-bago pa lang namin siyang nakilala, ang pagiging mabait niya sa amin ni Jobert na hanggang maging film producer siya ay ugaling naging tatak na niya.
Sa mga kaibigan niya in and out ofshowbiz, let us pray na lang for the soul of Tita Donna.
Last Wednesday evening, nadatnan namin sa wake ang mag-asawang Tito Eddie Gutierrez and Tita Annabelle Rama, Viva Films’ Vic del Rosario with June Rufino, former MTRCB Chairman Manoling Morato, Imelda Papin, Richard Cepeda. at marami pang iba.
Reyted K
By RK VillaCorta