NAKAKALOKA AS in punung-puno ang SM MOA Arena noong Sabado, September 29, para lang makita ng Pinoy fans ang sikat na Hollywood star na si Zac Efron. Hapon pa lang ay ang haba na ng pila at kanya-kanyang bitbit ng placards, kamera, pagkain at kung anu-ano pang baon ang mga fans ni Zac.
Halos alas-diyes na ng gabi nang lumabas sa stage si Zac, pero sulit naman ang paghihintay ng fans dahil napakagiliw nito sa audience. Galing din si Zac sa Misibis Resort, kung saan siya nagbakasyon ng ilang araw bago ang fan conference. Love na love na daw niya ang Pilipinas at gusto niyang bumalik dito kapag may oras.
Pero may mga sidelights ang nasabing event na ikukuwento namin sa susunod naming kolum. Katulad na lang ng pagmamahadera ng isang staff ng show na akala mo siya ang nagbayad kay Zac at pagmamay-ari niya ang clothing brand na ini-endorso nito.
MARAMI ANG nag-abang sa pagdating ni Jolo Revilla sa kaarawan ng amang si Senator Bong Revilla last Monday, September 24, na ginanap sa Diamond Hotel, Manila. Inamin kasi ni Jodi Sta. Maria sa isang panayam na ‘special’ si Jolo sa kanya pero hanggang du’n lang daw muna ang kaya niyang sabihin.
Sa panayam ng ‘Ang Latest’ ng TV5 noong September 26, nagsalita na ang binatang public servant tungkol sa namagitan sa kanila ni Jodi.
Ano nga ba ang masasabi niya sa mga naglabasang balita na may relasyon na nga sila ng Be Careful With My Heart’s star? “Masasabi namin du’n, what you see is what you get.”
So may special na pagtitinginan na nga ba ang dalawa ngayong pareho silang nagbakasyon sa Hong Kong kasama ang kani-kanilang mga anak? “Wala yata akong sinasabing ganon. Wala naman akong inaamin. May inamin ba ako sa inyo? Wala akong kino-confirm, wala akong dine-deny.”
Balita namang boto daw ang ina ng actor politician na si Congw. Lani Mercado kay Jodi. Ngiti rin lang ang sagot ni Jolo dito.
Bali-balita naman ngayon na tatakbo si Jolo sa mas mataas na posisyon sa Cavite, from baranggay captain ay tatalon daw ito sa pagtakbo bilang bise-gobernador. So ibig bang sabihin nito na kailangan na rin niya ng magiging first lady? Matalinhagang sagot ng actor, “Darating ‘yan.”
MASAYA NAMAN kami na muli naming napapanood si DM Sevilla sa seryeng Princess and I. Akala kasi namin, ay magko-concentrate na si DM sa pagiging nurse. Sa ngayon daw, kuntento na siya kung anuman ang meron siya. Pero mas gusto pa raw niyang palawakin ang kanyang knowledge. “You know what, ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko, I wanna explore! “Gusto ko pang marami akong matutunan! I mean yeah, tao lang ako, nu’ng natapos ko school ko, I got my license, I want more pa! Sa career ko, hindi pa ako tapos. I mean I’m willing to study, explore, learn, and as a person, gusto ko pang mapalapit kay God, utang ko sa kanya lahat.”
Abala si DM sa ngayon sa kinabibilangan niyang soap opera at ang paggawa ng indie film. “Actually, I’m doing an indie right now, with Charee Pineda and other Star Magic artist, the story is different pero hindi ko muna sasabihin, haha! Pagtapos na lang naming mag-shooting.”
Since karamihan sa mga indie films ngayon ay tumatalakay sa mga sexy themes, handa na kaya siyang magpa-sexy sa mga indie movie na nakatakda niyang gawin? “Pa-sexy talaga? Hahaha! I think depende sa role, if maganda ang story and character why not, but I need to be sexy muna to do that kasi pa-sexy sabi mo, eh haha! And I’m not yet ready. Paghahandaan siyempre.”
So ibig sabihin kaya na niyang maghubad, or magpakita ng butt if ever? “Kung kaya ko nang maghubad? Kaya ko naman… mag-isa. Butt exposure? So, ‘pag nagpakita ako ng butt, sisikat na ako? Hahaha, agad-agad? ‘Yan ang mga bagay na dapat pinag-iisipan ng isang actor. Kasi hindi naman porke’t naghubad ka, nagampanan mo na nang tama ang role na i-portray mo, may mga bagay na dapat pag-isipan at pag-aralan muna bago gawin. Hindi ako dapat magpadalus-dalos because I know dalawang bagay lang ‘yan, p’wedeng ika-ganda ng career ko, at puwede ring hindi.
Seryoso niyang dugtong, “At isa pa, hindi naman ako takam para pag-usapan, sorry if medyo suplado ang sagot (ko) but what I mean is okay lang ako, as long as na okay ako, nakaka-work at nagagampanan ko nang tama ang role, I’m good. Mas maganda na yung pag-uusapan ka dahil sa sarili mong sikap na nakikita ng ibang tao, ‘di ba? Na hindi ikaw ang gagawa pa ng ingay para pag-usapan ka pa.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato