MARIING PINABULAANAN ng lead actor ng newest soap ng ABS-CBN na Dream Dad na mapapanood na simula Nov. 24, 2014 sa Primetime Bida na si Zanjoe Marudo ang bali-balitang hindi sila in good terms ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo.
Tsika nga ni Zanjoe, “Wala naman. Hindi totoo ‘yun. Walang ganu’ng nangyari sa relasyon namin, masaya kami. Tsismis lang ‘yun. May mga tao siguro na gustong maghiwalay kami kaya gumagawa ng ganu’ng isyu.”
Ayon pa kay Zanjoe, wala naman daw rason para maghiwalay sila ni Bea dahil maayos at okey naman daw ang kanilang relasyon. May mga tao lang daw na gumagawa ng maling balita sa kanilang dalawa at pilit silang pinaghihiwalay na malabo namang mangyari, dahil hindi nila pinapansin kapag may mga ganong balitang lumalabas.
At kaysa raw pansinin ang mga ganu’ng klaseng balita, mas pagkakaabalahan na lang daw ni Zanjoe ang kanyang latest project sa ABS-CBN, kung saan makakasama niya sina Ms. Gloria Diaz, Jana Agoncillo, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Maxene Magalona, Ariel Ureta, Beauty Gonzales, at Yen Santos mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Marion Aunor, may show sa Canada
BOUND TO Canada ngayong buwan ang PMPC Star Awards for Music 2014 Best New Female Recording Artist na si Marion Aunor, kung saan magkakaroon ito ng show sa nasabing bansa. Makakasama nito ang ilang ABS-CBN singers para pasasayahin ang ating mga kababayang nakatira at nagtatrabaho na sa Canada.
Unang magsi-show si Marion sa Nov. 21 sa Vancouver at sa Nov. 23 naman sa Calgary. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataong magsi-show sa Canada si Marion, kaya naman daw excited itong awitan ang mga kababayan natin doon.
Bukod daw sa show, magsisilbing bakasyon na rin ni Marion at ng kanyang very supportive mom na si Ms. Maribel “Lala” Aunor ang kanilang trip sa Canada, kung saan susubukan daw nilang pasyalan ang magagandang lugar sa nasabing bansa.
Gawad Kabataan, patuloy na nagbibigay-katuparaan sa mga pangarap ng mga kabataang Pinoy
“TOGETHER WE will build our nation and be part of tomorrow!” Ito ang motto ng isa sa dapat abangan at suportahang show na napapanood sa YouTube via Celebrity Channel na hatid ng SMAC TV Productions, ang “Gawad Kabataan” hosted by Gawad Kabataan ambassadors Justin Lee at Jonathan Solis.
Ang tuluy-tuloy na pagtulong pa rin daw ang hatid ng malawakang show na ito ng Gawad Kabataan. Pagtulong sa mga kabataang may mumunting pangarap na nais ikasatuparan at ito ang ginagawa ng Gawad Kabataan sa abot ng kanilang makakaya.
Kaya naman sa mga kabataang nagnanais na matulungan ng Gawad Kabataan, ipadala lamang ang kuwento ng inyong buhay at ang inyong pangarap na gustong matupad sa [email protected] at baka kayo na ang susunod na bisitahin nina Justin at Jonathan para tuparin ang inyong pangarap.
John’s Point
by John Fontanilla