MASAYANG makita na muling magkasama sa isang film project ng Viva sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo na na-link noon sa isa’t isa habang ginaawa nila ang ABS-CBN TV series na My Dear Heart. Magkasama ngayon ang dalawa sa pelikulang 366 na directorial debut pa mismo ni Bela kung saan siya rin ang lead actress at sumulat ng script.
Hindi ba sila nagkailangan sa muli nilang pagtatrabaho?
“The last time we do… with Zanjoe was 2017. Kung meron mang link or anything, it was on 2017 pa. So by the time we shot this film in 2021, I think we both already…
“I don’t want to speak for Zanjoe, pero I already got passed that stage of my life. I was completely different person already in 2021 from 2017. So, okay na okay na po ako and also at the same time, I made sure na kinakausap ko na si Z (tawag sa aktor) bago kami dumating sa set. I already reached out and texted him to check base if were both okay with I remember personally sending the script. Asking him if meron ba siyang ideas o gustong i-suggest o palitan?
“I wanted this project to be collaborative also not just for Zanjoe but also for JC (Santos) and also to make them feel that they can trust me on set ‘coz I don’t want to have negative emotions pag sa set namin,” paliwanag ni Bela sa virtual mediacon ng 366.
Ayon naman kay Zanjoe hindi naging isyu kung anuman ang kanilang nakaraan ni Bela para hindi tanggapin ang 366 na reunion project nila pagkatapos ng apat na taon. Ayon pa sa atktor nagustuhan niya ang script ng pelikula sinulat ni Bela kaya nag-yes kaagad siya sa project.
“First time naming nag-work sa isang pelikula, at hindi ko palalampasin yun kapag nabigyan ako ng ganitong klase opportunity para lang hindi tanggapin dahil may isyu ka, na wala naman akong na-feel nung in-offer sa akin yung project,” pahayayag ng Kapamlya hunk actor.
Patuloy niya, “Excited agad ako na makipag-usap kay Bela about sa story and character. Ang una ko ngang reaksiyon, ‘Puwedeng ako na lang yung character ni JC?’ Pero hindi raw puwede.”
Bilang first time director ay humanga agad si Zanjoe kay Bela. Alam daw nito ang gusto niyang gawin at malinaw ang vision nito bilang director ng pelikula.
“Nakaka-amaze siyang panoorin. Sinabayan pa na siya yung direktor so nakakabilib talaga. Kapag makikita mo yung set namin, walang sumisigaw. Napakakalmado. Tahimik ang lahat,” papuri ni Zanjoe sa kanyang direktor at co-actor.
“Ang sarap nung parang belong ka sa group na puro artists na ang tatalino, creative. Nakakatuwa na naging part ako nitong first film ni Bela. Magaan siyang katrabaho, alam niya kung ano ang gusto niya, alam niya kung ano yung kailangan niya. Nakakatuwa na may paninindigan siya sa paggawa ng pelikula,” dagdag niyang pahayag.
Istorya tungkol sa moving on ang kwento ng pelikulang 366 na mapapanood sa Vivamax sa April 13, 2022 at sa Vivamax Plus sa April 15.